Sam, Gerald mas feel magtrabaho kesa mambabae | Bandera

Sam, Gerald mas feel magtrabaho kesa mambabae

Ervin Santiago |April 24,2014
facebook
share this

Sam, Gerald mas feel magtrabaho kesa mambabae

Ervin Santiago - April 24, 2014 - 03:00 AM


Nang papiliin sina Sam Milby at Gerald Anderson kung trabaho o buhay pag-ibig, parehong pinili ng leading men ng Dyesebel na mas pagtuunan muna ng pansin ang trabaho.

Para sa 29-anyos na si Sam at 25-anyos na si Gerald, tsaka na nila iisipin ang pagpapakasal kapag lumampas na sila ng edad 30. Sa ngayon, mas tututukan daw muna nila ang karera upang makapag-ipon para sa kani-kanilang pamilya at magiging pamilya.

“Gusto kong mas tumagal sa showbiz kaya mas nagsisikap ako. Alam ko na hindi ito permanente kaya kailangang magsipag habang marami pang proyektong dumarating.

Kailangan mo itong i-enjoy habang kaya mo pa at gamitin sa tama ang kinikita,” pagbabahagi ni Sam sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong hapon.

Siyam na taon matapos siyang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2005 at makapasok sa showbiz, nakapagpundar na ng sariling tahanan si Sam.

Nagpapatakbo na rin siya ng dalawang negosyo, isang restaurant at isang coffee shop. Kagaya ni Sam, sa PBB rin nagsimula si Gerald noong 2006.

Matapos nito ay agad sumikat ang binata at hindi na nawalan ng proyekto sa telebisyon at pelikula, “Na-in love ako sa craft ng acting. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ito na. Ito na yung gusto ko,’” sabi niya.

Dagdag niya, masarap kumita ng pera habang ginagawa ang bagay na nagpapasaya sa ‘yo, “Siyempre yung financial benefits andiyan. Ang buong pamilya ko, okay na okay ngayon dahil sa pagiging artista ko,” paliwanag ni Gerald.

Sa ngayon, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay sa Maynila at isa pa sa General Santos para naman sa kanyang ina.
Bukod sa makulay nilang pakikipagsapalaran sa showbiz, magbabahagi rin sina Sam at Gerald ng tungkol sa kontrobersyal nilang buhay pag-ibig.

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa kanila sa Tapatan ni Tunying ngayong Huwebes, 3:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
Samantala, patuloy na gumaganda ang takbo ng kuwento ng Dyesebel na napapanood pa rin pagkatapos ng TV Patrol.

Ngayong alam na ni Dyesebel ang tunay niyang pagkatao, ano na ang susunod na magiging eksena? At kailan nga ba talaga siya magkakaroon ng paa? Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending