Paulo parang tumama na rin sa lotto pag napangasawa si Kc | Bandera

Paulo parang tumama na rin sa lotto pag napangasawa si Kc

Jobert Sucaldito |April 24,2014
facebook
share this

Paulo parang tumama na rin sa lotto pag napangasawa si Kc

Jobert Sucaldito - April 24, 2014 - 03:00 AM

ANO ba talaga ang totoo sa kuwentong binasted daw ni KC Concepcion ang sinasabi naman niyang “mahal” niyang suitor na si Paulo Avelino? Me nagsasabing in-unfollow na raw ni Paulo si KC sa Instagram at Twitter pero someone naman said na hindi totoo when they checked on them.

Puwede bang malaman ng kahit sino ang status ng Twitter at Instagram ng iba? Sa pagkakaalam ko kasi, yung mismong may katawan lang ang nakakaalam kung sino ang nag-unfollow sa kaniya.

Kasi nga wala akong Twitter o Instagram kaya di ko alam. Ha-hahaha! “Baka natauhan si KC dahil for sure ay alam naman niya ang karakas nitong si Paulo. I mean, hindi ba’t dinamp niya ang mag-ina niya (LJ Reyes and their baby) before.

Ayaw nga niyang pag-usapan ang pamilya niya noon until his TV show Honesto came, kumbaga, as part of the promo ng show ay inamin na niya ang tungkol sa baby niya – kung gaano daw niya ito kamahal.

“Very promo nga. Siyempre, naisip siguro ni KC na kung nagawa ito ni Paulo sa mag-ina niya, puwede rin niya itong gawin sa kaniya saka-sakali one day, di ba?

Sa pagkakaalam ko, tulad ni KC, si LJ ay galing din sa isang matinong pamilya – maganda at may pangalan naman kahit paano.
“She may not be as big a star like KC pero she has her little name to be proud of too, di ba?

Kaya kung binasted nga ni KC si Paulo, I know where she’s coming from,” anang isang kaibigang nasubaybayan ang career ni KC na idol niya.

Ang balita kasi ay dinalaw ni Paulo si KC sa New York where the actress studies. Sumama raw si Paulo sa entourage ng Star Magic artists na nag-show sa Amerika kaya he took the chance to visit KC.

In fairness naman daw, they had good times with friends nang magkita sila roon. Pinagluto pa raw yata ni Paulo si KC and na-enjoy naman ni girl ang company ni Paulo.

But the thing is, after ng nice time together with friends ay biglang meron daw emote si KC sa Twitter lifted from the song “Somewhere Down The Road” – our roads are gonna cross again – it doesn’t really matter when” na para sa amin ay malinaw ang pakahulugan that they maybe had the right love at the wrong time, di ba?

Na maaaring kung hindi man maging sila ngayon, their paths may just cross one day and baka sila pa rin. May kasabihan nga tayo that says na kung kayo talaga, magiging kayo one day no matter what happens.

Baka iyon ang message na nais iparating ni KC kay Paulo. “Akala siguro ni Paulo ay naka-jackpot na siya kay KC dahil siyempre – prinsesa talaga ang batang iyan. Maliban sa sarili niyang kita, may malaking mana talaga iyan.

Ha-hahaha! Sikat pa. Kaya lang, kung hindi ukol hindi talaga bukol. Imagine kung maging sila ni KC, suwerte niya. Maganda na, mahusay na actress-host pa and very rich.

Parang nanalo sa lotto si Paulo noon, di ba?” sey pa ng isang ayaw na ayaw kay Paulo for KC. Grabe naman kayong manghusga. May sarili na rin naman sigurong ipon si Paulo.

Balita ngang meron siyang pinatayong napakalaki at napakamahal na bahay diyan sa Quezon City. Nakakalula raw sa pagkamahal ng bahay.

“Saan naman galing yung ginastos niya du’n? Baka regalo lang iyon sa kaniya ng special friend niyang mayaman. You know what I mean.

Hindi naman makatotohanang kumita siya ng ganoon kalaki para makapagpatayo ng mansion, ‘no! Unless meron siyang other sidelines, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka may negosyo siyang sobrang kumikita na hindi natin alam dahil hindi napa-publicize,” dagdag pa ng kausap natin.
Ma at Pa! Malay at Pakialam!

( Photo credit to kcconcepcionfanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending