Marian nagalit sa GMA, hinarang ang pagtsugi sa Carmela? | Bandera

Marian nagalit sa GMA, hinarang ang pagtsugi sa Carmela?

Alex Brosas |April 23,2014
facebook
share this

Marian nagalit sa GMA, hinarang ang pagtsugi sa Carmela?

Alex Brosas - April 23, 2014 - 03:00 AM


May lumabas na blind item sa isang website which said na pinigilan ng isang celebrity ang kanyang network na tsugihin ang kanyang soap opera dahil hindi ito nagre-rate at hindi rin pinapasok ng commercial.

By the clues given ay tila ang soap opera ni Marian Rivera ang tinutukoy sa blind item.   Ang chika pa, naimbiyerna ang aktres nang malaman niyang nasa chopping board na ang kanyang teleserye.

Nagtaray pa raw ito at sinabihan ang mga network executives na kaya hindi nagre-rate ang kanyang soap ay dahil hindi ito well promoted katulad ng mga soap sa kabilang network.

Pumayag lang daw itong matsugi ang kanyang teleserye kapag maunang mawala ang soap opera ng isang hot mama na kasunod yata ng soap opera niya.

At ang isa pang kondisyon ng hitad, dapat daw unang matsugi ang soap opera ng karibal niyang celebrity sa kalabang network. Ito raw ang tunay na dahilan kung bakit napilitan na lang na i-extend ng network ang kanyang soap opera.

True ba ito, Marian? Any comment Rams David?

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending