‘Sa kulungan ngayong magmaldita si Deniece!’ | Bandera

‘Sa kulungan ngayong magmaldita si Deniece!’

Cristy Fermin |April 23,2014
facebook
share this

‘Sa kulungan ngayong magmaldita si Deniece!’

Cristy Fermin - April 23, 2014 - 03:00 AM


Ayan, minsan pang binoldyak ni Vhong Navarro ang tropa nina Cedric Lee at Deniece Cornejo dahil pagkatapos ng piniyansahan nilang kasong grave coercion ay heto, lumabas na ang warrant of arrest para sa kasong serious illegal detention na walang katapat na halaga ng bail.

Non-bailable ang kasong serious illegal detention, walang piyansa, kaya oras na mahuli ang tropang ito ay wala silang ibang kalalagyan kundi ang kulungan.

Ngayon siguro ay nagigising na sa matinding bangungot ang grupo, kung gaano katapang nu’n sina Cedric at Deniece sa pang-uupak kay Vhong Navarro, siguro’y nararamdaman na nila ngayon ang tindi ng kanilang ginawa sa actor-dancer-TV host.

At ang masakit pa, may isang kapwa akusado sila na nakikipag-ugnayan na ngayon sa DOJ para ikanta ang Oplan Bugbog na diumano’y pinlano nila nu’n laban kay Vhong, talaga nga palang planado ang ginawa nila sa lalaking personalidad na bugbog-sarado pagkatapos nilang kuyugin.

Sa kanyang mga panayam ay nagmamaldita pa si Deniece Cornejo, ipinipilit pa rin ng babae ang diumano’y ginawang panghahalay sa kanya ng actor-dancer, kahit pa malinaw nang pinabulaanan ‘yun ng mga CCTV cameras ng condo unit na tinitirhan nito.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “We’re so excited na to see them behind bars. Sa wakas, nagkaroon din ng justice ang nangyari kay Vhong. Ngayon magmaldita si Deniece sa kulungan, tingnan lang natin!” naiinis nitong sabi.

Isa lang ang pinatunayan ng pangyayaring ito, siguradong alam na rin ito ng grupong kalaban ni Vhong Navarro, walang kahit sinong mas mataas pa at makapangyarihan sa batas. No one is above the law.

( Photo credit to deniececornejofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending