Regine naging ‘emosyonal’ sa ika-44 kaarawan | Bandera

Regine naging ‘emosyonal’ sa ika-44 kaarawan

Ervin Santiago |April 23,2014
facebook
share this

Regine naging ‘emosyonal’ sa ika-44 kaarawan

Ervin Santiago - April 23, 2014 - 03:00 AM


HINDI napigilan ni Regine Velasquez ang maging emosyonal kahapon. Nag-celebrate kasi ng kanyang ika-44 kaarawan ang Asia’s Songbird yesterday at magkahalong ligaya at lungkot ang kanyang naramdaman.

Ito kasi ang unang birthday niya na wala ang kanyang tatay na si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez, na namaalam na nga nitong nakaraang Pebrero.

Sa kanyang official Instagram account, inihayag ni Regine na medyo sad siya dahil unang pagkakataon ngang nag-celebrate siya ng kanyang birthday na wala sa tabi niya ang kanyang tatay.

“First birthday without you………I miss so much papa,” tweet ng Songbird. Sumakabilang-buhay si Mang Gerry noong Feb. 3 matapos maratay ng ilang buwan sa ospital dahil sa kanyang sakit.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending