HOROSCOPE, April 23, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 23, 2014

Madam Sophia |April 23,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 23, 2014

Madam Sophia - April 23, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kusang darating ang malaking halaga ng salapi! Matutong mag-tipid at mag-ipon upang hindi na muling masimot ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang malayo at masarap na pamamasyal. Mapalad ang 6, 14, 21, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Silver at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-alok sa mga kaibigan at kakilala. Sa painot-inot at unti-unting pagsisikap makakamit ang pagyaman.  Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo ang kahalagahan ng maraming-maraming pera. Mapalad ang 3, 12, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Isang kakilala ang may lihim na pagtingin ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin. Kaya nga ikaw na ang magparamdam upang maganap ang isang masarap at matimyas na relasyon. Habang umiibig, may dagdag ng salaping darating. Mapalad ang 9, 12, 19, 27, 32, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Yellow at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi pupuwedeng isip lang nang isip, ang mahalaga ay maipatupad ang iyong balak. Pagkilos ang mitsa na magsisindi ng tagumpay!  Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo–swimming na! Mapalad ang 1, 14, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja.” White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Makuntento sa kasalukuyang kalagayan! Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya kesa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, huwag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, OK na siya kesa sa wala. Mapalad ang 7, 9, 19,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Green at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Huwag pahangain ang kasuyo sa mga bagay na hindi mo naman kaya! Hindi  dapat maging galante at mayabang! Tandaan na hindi nakakatulong ang pangungutang upang umunlad. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kapag maliit ang kumot, matutong mamaluktot.” Yellow at gray ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Huwag pag-interesan ang pag-aari ng iba! Magkasya at makuntento ka na sa kasalukuyan mong ari-ariaan. Darating ang araw ay yayaman ka rin. Sa pag-ibig, huwag pag-interesan ang kasuyo na ng iba dahil mas kaakit-akit nang di hamak ang iyong kaparehang Taurus. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 37, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at black ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Huwag nang isipin ang nawalang pera, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang tampuhan. Sa tabing-dagat yayain ang kasuyo, at doon muling buhayin ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Lilac at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Walang pag-asenso kung laging aasa sa ibang tao. Simulan ang sariling negosyo at tumayo sa sariling mga paa. Sa pag-ibig, sa pagkakataong ito, hindi sila ang dapat masunod, kundi ang tinitibok ng iyong puso! Mapalad ang 2, 11, 16, 27, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Doysa-Om”. Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, huwag maging malantod at maarte! Okey na ang kasalukuyang ganda, huwag nang maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha sa ginagawa mong iyan, magseselos lang ang kasuyo.  Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Apple green at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bilis ang susi upang magtagumpay! Mauunahan ka na naman ng iyong kakumpetensya kung babagal-bagal ka. Sa pag-ibig, sabihin agad sa minamahal ang salitang “I love you” sabay kindat!  Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 34.  Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Brown at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mahalin ang kalikasan! Magtanim ng gulay at mga punong kahoy sa likod-bahay. Sa ganyang paraan, gaganda na ang kapaligiran, mayroon ka pang maaani pagdating ng araw. Sa pag-ibig, suportahan ang kasuyo sa mga organisasyong nagpepreserba ng ecosystem. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi puwedeng wala kang ginagawa. Kumilos nang kumilos hanggang makasapol ng malaking tagumpay! Sa pag-ibig, huwag awayin ang kasuyo dahil kapag nawala siya, magsisisi ka! Mapalad ang 3, 11, 23, 28, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending