Anak ni Ai Ai, pinsan ni Enrique, boylet ni Vice pasok sa PBB | Bandera

Anak ni Ai Ai, pinsan ni Enrique, boylet ni Vice pasok sa PBB

Alex Brosas |April 22,2014
facebook
share this

Anak ni Ai Ai, pinsan ni Enrique, boylet ni Vice pasok sa PBB

Alex Brosas - April 22, 2014 - 03:00 AM


Mayroong kumalat na unconfirmed reports sa internet na isa raw sa magiging housemates sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother ay ang anak ni Ai Ai delas Alas na si Sancho.

We don’t know how it surfaced, kung may katotohanan ba ito o imbento lang ng isang walang magawa. Pero ang lakas ng reaction ng mga tao nang kumalat ang chismis na ito sa social media.

Marami ang bayolente ang reaction. Kung true raw ito, masyado raw obvious ang palakasan. Kasi nga naman, anak ni Ai Ai si Sancho and being one of the biggest Kapamilya stars, hindi mo rin maaalis na mag-isip ang mga tao na meron ngang advantage si Sancho.

Last week yata ‘yon nang maloka ang friend naming si Randy Vizcarra nang mapadaan siya sa Araneta Coliseum. Akala niya ay isang malaking concert o fellowship ang nagaganap.

Hindi niya akalain na isa palang audition iyon para sa PBB. Ang daming pumunta para i-try ang luck nila. We were told that about 11,000 ang kabataang nagpunta para makasali sa PBB.

Sadly, isa lang pala ang napili ng araw na ‘yon. Sandamakmak ang nag-audition, about 11,000 pero isa lang pala ang masuwerteng napili daw para maging housemate sa Bahay ni Kuya.

Sino kaya ang masuwerteng napili na ‘yon? Anyway, since more than 10,000 ang nag-audition for PBB ay mabilisan lang ang naging proseso ng pagpili, since sanay na si Lauren Dyogi sa pagpili ay dinadaanan lang ng mata niya ang mga nag-audition.

‘Yung iba naman, kinunan ng video for celebrity lookalikes na ipinost yata sa Youtube to beef up interest for the forthcoming season of the franchise show.

Merong nasulat sa isang Facebook fan page about possible housemates this season. Kabilang diyan ang second cousin daw ni Enrique Gil at ang G-Force dancer na si Jan Stephen Noval.

May recall si Jan Stephen dahil minsan na siyang na-link kay Vice Ganda noon.

( Photo credit to AES )
.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending