Sarah patay na patay sa killer smile ni Coco | Bandera

Sarah patay na patay sa killer smile ni Coco

Ervin Santiago |April 22,2014
facebook
share this

Sarah patay na patay sa killer smile ni Coco

Ervin Santiago - April 22, 2014 - 03:00 AM


Napakataas ng respeto ni Sarah Geronimo kay Coco Martin bilang isang alagad ng sining. Kaya nang malaman niyang muli silang magkakasama ng Teleserye King ng ABS-CBN, talagang sobrang na-excite siya.

Kasalukuyang tinatapos ng dalawa ang unang pelikulang pagsasamahan nila, ang “Maybe This Time” under Viva Films at Star Cinema.

Sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, sinabi ni Sarah na bukod sa napakahusay na aktor ni Coco ay napakabuti pa nitong tao. Gustung-gusto raw niya sa binata ang ngiti nito.

“Si Coco naman is talagang endearing person and talagang and I would always say na ‘yung smile ni Coco, siya lang ang may ganung klaseng smile,” say ng Pop Princess.

Nagiging madali rin daw ang bawat eksenang ginagawa nila dahil nadadala siya sa husay ng binata, “Sa teaser, ‘yung parang iki-kiss ko siya, tuwang-tuwa ako sa kanya doon.

May ganu’n pala siya, may pagka-komedyante din siya. Mas natutuwa ako kapag ganun kasi nagiging natural din yung bato ko ng acting ko sa kanya.”

Dagdag pa ng rumored girlfriend ni Matteo Guidicelli, forever niyang ite-treasure ang friendship nila ni Coco, “Kilala natin si Coco as a dramatic actor so sabi ko sa sarili ko na challenge ito sa akin.

Siyempre excited tayo dahil alam natin na marami tayong matututunan through this project, with Coco.”  Samantala, lagare na naman si Coco sa taping ng Primetime Bida serye nilang Ikaw Lamang at dito nga sa pelikula nila ni Sarah G.

Pero as usual, wala kang maririnig na reklamo sa aktor, sabi nga niya, mas sanay ang sistema niya sa pagtatrabaho kesa nasa bahay lang at walang ginagawa.

Para sa lahat ng sumusubaybay sa Ikaw Lamang, mas lalo pa kayong mawiwindang sa mga susunod na eksena sa programa, sunud-sunod na ang magaganap na pagbandera ng mga lihim ng mga paborito n’yong karakter.

Kasama pa rin ni Coco sa Ikaw Lamang sina Kim Chiu, Julia Montes, Jake Cuenca, Tirso Cruz III, Angel Aquino, John Estrada, Cherie Gil at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyanga pala, sabi ng isang kapitbahay namin na adik na adik sa Ikaw Lamang, sana raw sina Coco at Julia ang magkatuluyan sa ending! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending