DJ Durano nakipagbati na kay Wenn Deramas; tatakbo sa 2016 election | Bandera

DJ Durano nakipagbati na kay Wenn Deramas; tatakbo sa 2016 election

Julie Bonifacio |April 21,2014
facebook
share this

DJ Durano nakipagbati na kay Wenn Deramas; tatakbo sa 2016 election

Julie Bonifacio - April 21, 2014 - 03:00 AM

Mismong ang character actor na si DJ Durano ang nagkumpirma sa amin na tatakbo siya sa 2016 election sa kanilang bayan sa Cebu. Finally, nakapag-decide na rin si DJ na pasukin ang politika tulad ng kanyang ama at iba pang kapamilya sa Cebu.

This time, feeling niya ready na siya na pasukin ang isa na namang larangan sa kanyang buhay. “Actually, noon pa naman maraming nag-aalok sa akin.

Kaya lang mas gusto ko o mas ang focus ko talaga is to really make  name sa (entertainement) industry,” pahayag ni DJ.
Ngayon pa lang ay naghahanda na si DJ  sa kanyang pagpasok sa politika.

Pero magpu-full blast blast daw siya next year. Sa ngayon, showbiz pa rin ang priority niya. “Sa akin naman kasi, I want to do more serious roles ngayon. I want to focus bilang character actor na talaga,” diin niya.

Natuwa nga si DJ na kahit nagkaroon sila ng falling out ng box-office director na si Wenn Deramas ay nagkaroon pa rin siya ng project sa ABS-CBN.

“Natutuwa ako na nakabalik sa ABS-CBN after a year, Kapag Puso’y Nasugatan ang huling show ko. Pero nakapag-guest ako sa Galema. And since we’re on speaking terms na ni Direk Wenn, e, I’m about to do ‘Moron 5,’ ‘yung part 2,” sabi niya.

Dugtong pa niya,  “E, nakakatuwa naman dahil professional.  Okey na kami ni Direk Wenn,  wala ng problema. Kasi  kapag wala ka naming tinamin na masama at wala kang sinabi sa gitna ng  gyera, palagi kang mananalo sa huli, e.

Hindi ka maaalanganin.  Lagi kang victorious sa huli.” Basta okey na raw talaga sila ni Direk Wenn.  Gusto na rin daw niyang padirek uli sa napakahusay na box-office director lalo na ngayon na mas relax na sila sa isa’t isa.

( Photo credit to wennderamasfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending