Anne nandiri, di kinaya ang pagkain ng buhay na insekto sa Myanmar | Bandera

Anne nandiri, di kinaya ang pagkain ng buhay na insekto sa Myanmar

Ervin Santiago |April 20,2014
facebook
share this

Anne nandiri, di kinaya ang pagkain ng buhay na insekto sa Myanmar

Ervin Santiago - April 20, 2014 - 03:00 AM


Tawa kami nang tawa sa video ni Anne Curtis habang nasa isang lugar sa Myanmar, doon kasi siya nag-spend ng Holy Week kasama ang boyfriend na si Erwan Heussaff at sisteraka nitong si Solenn.

Hinamon kasi ang bida sa fantasy series ng ABS-CBN na Dyesebel ng kanyang tropa kung kaya niyang kumain ng buhay na cricket, isang uri ng insekto sa Myanmar na paboritong streetfood ng mga turista doon.

Nu’ng una ay pinipilit pa si Anne na isubo ang nasabing insekto pero talagang ayaw niya. Maririnig sa background ng video ang boses ni Solenn habang tsini-cheer si Anne, ang Kapuso actress din ang nag-upload ng nasabing video, post ni Solenn sa kanyang Instagram account kung saan naka-attached ang video ni Anne, “@annecurtissmith trying a cricket for the first time haha #myanmar #AdventuresInMyanmar.”

Sa huli, kinuha na ni Anne ang exotic food at isinubo pero talagang naduwag ang aktres at bigla rin itong  iniluwa at halatang diring-diri. Nagtawanan lang ang kanyang mga kasamahan.

Ibig sabihin nito, talagang hindi kayang sikmurain ni Anne ang pagkain ng buhay ng insekto. Ha-hahaha! Samantala, bukas, ang pagpapatuloy ng kwento ni Dyesebel sa Primetine Bida ng ABS-CBN.

In fairness, balita namin, marami talaga ang nag-abang ng Dyesebel marathon kahapon kaya umaasa ang buong production ng serye na mas marami pa ang tututok sa mga susunod na eksena sa buhay ni Dyesebel, lalo na ngayong malapit na silang magkita uli ni Fredo (Gerald Anderson).

( Photo credit to annecurtisfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending