Kabaitan ni Vhong pinatunayan sa isang eksena sa airport | Bandera

Kabaitan ni Vhong pinatunayan sa isang eksena sa airport

Cristy Fermin |April 20,2014
facebook
share this

Kabaitan ni Vhong pinatunayan sa isang eksena sa airport

Cristy Fermin - April 20, 2014 - 03:00 AM


Ang mga kuwentong-showbiz ay mahirap ihiwalay kahit pa Santo-Santo na. Sa muli naming pagbabakasyon sa aming nayon ay mga istorya pa rin tungkol sa mga artista ang pinakamabenta sa mga umpukan.

May kaklase kaming galit na galit kina Cedric Lee at Deniece Cornejo na para bang kilalang-kilala nito ang mga kalaban ni Vhong Navarro, ganu’n na lang kung kabuwisitan ng aming kaibigan ang dalawa, kasi nga ay nababaitan ito kay Vhong.

“Nasa airport kami nu’n, nasa lounge na kami waiting for our boarding time, dumating si Vhong Navarro kasama ang mga co-stars niya sa ABS-CBN.

Lahat, parang mga bulag na walang nakita, mga suplado! Pero si Vhong, siya pa ang lumapit sa mga pasahero, nangumusta, kaya du’n pa lang, e, malalaman mo nang mabait siya,” simpleng karanasan na nagmarka sa aming kausap tungkol kay Vhong.

Nakaisa na si Vhong, kinasuhan na ng serious physical injuries at grave coercion ang tropa nina Cedric at Deniece, ang iba pang mga kasong isinampal na lang sa actor-dancer-TV host ang inaantabayanan ng kanyang mga tagasuporta kung ano ang magiging resulta.

Sana nga, tulad ng dasal ng kanyang mga tagahanga, ay matapos na ang mga dalahin at pinagdadaanan ni Vhong Navarro. Napakaaga niyang nagtika, naging maaga ang kanyang pagpepenetensiya, kaya sana’y maging maaliwalas na ang lahat-lahat para sa kanya ngayong tapos na ang Mahal Na Araw.
Sana naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending