Mark Anthony may mensaheng gustong iparating kina Daboy at Pidol | Bandera

Mark Anthony may mensaheng gustong iparating kina Daboy at Pidol

Julie Bonifacio |April 20,2014
facebook
share this

Mark Anthony may mensaheng gustong iparating kina Daboy at Pidol

Julie Bonifacio - April 20, 2014 - 03:00 AM

PANAY ang post ni Mark Anthony Fernandez sa Facebook account niya ng pictures niya with his late father Rudy Fernandez, pati na rin ang mga photos during his Gwapings days nitong nakaraang Holy Week.

Pinost ni Mark ang picture kung saan kasama niya ang kanyang mga magulang na sina Daboy at Alma Moreno. At meron din siyang pinost na picture na kasama naman si Daboy and his half-brothers Rap at Ralph Fernandez.

Pati poster ng pelikula nila ni Daboy, ang “Mas Matimbang Pa sa Dugo” ay pinost din ni Mark.Nami-miss  marahil ng aktor ang kanyang mga magulang.

Kasalukuyang nasa Hongkong si Alma kasama ang kanyang mga anak sa dating mister na si Joey Marquez nu’ng mag-post si Mark sa FB ng picture nilang tatlo nina Daboy.

Bukod dito pinost din niya ang picture ng baby niyang si Rudolf Venidictos Garcia Fernandez. Duda ng iba pinagsama ang pangalan nina Rudy at Dolphy  na naging partner din ng mommy niya.

At ‘yung “V” sa name ay mula naman sa real name ni Alma na Vanessa. Actually, close rin ang name na Rudolf sa real name ni Dolphy na  Rodolfo. Minahal din naman kasi ni Mark si Dolphy nu’ng sila pa ng mommy niya.

Itinuring din kasi ng Comedy King si Mark na parang tunay na anak. Siguro kaya naalaala ni Mark si Daboy ay dahil nararanasan na rin niya ang naramdaman noon ng daddy niya nu’ng mag-artista na siya.

Artista na rin kasi ngayon ang panganay niya na si Grae Fernandez na member ng tinitiliang all-male teen group na Gimme Five.
Nu’ng una raw ay ayaw payagan ni Mark si Grae na mag-artista and it was his wife na si Melissa ang sumuporta sa hilig ng anak na gusto ring maging singer.

Pero ngayong nasa showbiz na rin si Grae all-out na ang support ni Mark sa anak. In fact, mas excited pa siya sa show ni Grae kamakailan.

Magagabayan ni Mark si Grae sa kanyang kasikatan ngayon at pagiging professional sa trabaho dahil dinaanan na rin ‘yan ni Mark especially ang pagiging member ng isang sikat na all-male group.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending