Bagong boyfriend ni Zsa Zsa, gwapo, mayaman pero may sabit...may asawa? | Bandera

Bagong boyfriend ni Zsa Zsa, gwapo, mayaman pero may sabit…may asawa?

Julie Bonifacio |April 17,2014
facebook
share this

Bagong boyfriend ni Zsa Zsa, gwapo, mayaman pero may sabit…may asawa?

Julie Bonifacio - April 17, 2014 - 03:00 AM


TRENDING sa showbiz ang mga bagong pag-ibig at kasalan ng mga celebrity ngayong 2014, huh! Ni hindi pa nangangalahati ang taon, ang  dami ng artista ang nagpakasal at may bagong karelasyon.

‘Yun nga lang, ilan sa kanila ay kakikiligan at ang iba naman ay kaiinisan. Ang pinaka-latest na napasama sa listahan ng mga ‘yan ay ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Mahusay tumayming si Zsa Zsa kung kailan ilalantad ang kanyang bagong boyfriend. Hindi niya isinama sa kasal ng panganay niya na si Karylle Yuzon ang bagong architect boyfriend na si Condrado Onglao na tama rin naman.

Kilalang mahusay na architect ang BF ni Zsa Zsa sa business world. In fact, through his company na ADR Designs, ito raw ang gumawa ng bahay ng anak ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada na si Jackie Ejercito at mister nitong si Beaver Lopez sa Forbes Park.

Malamang si architect  ‘yung may-ari ng Porsche car na sinakyan ni Zsa Zsa at nakitang kasama ng singer noon. So, alam n’yo na?! Ha-hahaha!

Ayon sa aming source, Chinese daw ‘yung guy at separated sa kanyang legal wife which we believe na Intsik din ang misis. Hindi pa batid ng aming source kung legally separated or annulled na ang BF ng singer-actress sa misis nito.

Pero kasi kapag Chinese ‘di ba sobrang conservative nila pagdating sa kasal? Well, kung wala ng obligasyon legally si architect, e, pwedeng-pwede niyang pakasalan si Zsa Zsa.

Matagal na rin namang annulled ang marriage ni Zsa Zsa kay Modesto Tatlonghari at ‘di naman na siya napakasalan ni Comed King Dolphy.

Kaya lang baka hindi ngayong taon. Kasi kakakasal lang ni Karylle kay Yael. Ayaw ng movie nina Kris Aquino at Claudine Barretto na “Sukob”. Ha-hahaha!

Hindi aalis ng bansa si Zsa Zsa ngayong Holy Week para magbakasyon. Nandito  kasi ngayon sa Pilipinas ang kanyang ina na kapareho ng pangalan niya.

From her tour sa Holy Land, dumaan daw muna ng Pilipinas ang ina ni Zsa Zsa para bisitahin siya. At malamang, ipinakilala na ng Divine Diva ang kanyang Chinese architect BF sa ina.

This weekend naman ang balik sa Las Vegas, USA ng ina ni Zsa Zsa kung saan doon naka-base ang family ng Divine Diva headed by former international boxing referee na si Carlos Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to zsazsapadillafanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending