Carla hindi kayang buhayin ni Geoff kaya naghanap ng iba | Bandera

Carla hindi kayang buhayin ni Geoff kaya naghanap ng iba

Alex Brosas |April 17,2014
facebook
share this

Carla hindi kayang buhayin ni Geoff kaya naghanap ng iba

Alex Brosas - April 17, 2014 - 03:00 AM


Mixed reactions ang naging judgment ng netizens when Carla Abellana admitted na break na sila ni Geoff Eigenmann.
Without specifically citing reasons for their break up except for saying na magkaibang-magkaiba sila ng ugali ni Geoff, Carla was brave enough to admit na hindi na nga sila magdyowa ni Geoff.

But the timing of her confession is just right. Meron kasi siyang ipino-promote na movie ngayon. Ang feeling ng iba, Carla deserves a guy na makakaintindi sa kanya.

Meron kasing strong personality ang anak ni PJ Abellana and only a strong guy would match her personality. Meron naming nagsasabing napakataas kasi ng standard ng aktres when it comes to men.

Ang gusto kasi niya ay achiever, ‘yung meron nang naipundar at talagang kayang-kaya siyang buhayin. Masyado raw dominante si Carla. One guy said na merong dapat baguhin si Carla because she had two failed relationship na.

Ang isang fan naman, todo depensa kay Geoff at sinabing masipag din naman ang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa. Ang naging problema lang ay medyo napabayaan nito ang kanyang katawan kaya lumobo nang konti.

Pero ipinakita naman niyang kaya niyang mag-reduce at balik na siya ngayon sa kanyang dating body. But we doubt kung may kinalaman sa katawan ni Geoff ang break-up nila, mas kapani-paniwala ang balita na nagkasawaan na sila sa isa’t isa after almost four years of being together.

Pero sabi ni Carla, hindi niya isinasarado ang kanyang puso, there’s still a possibility na magkabalikan sila ni Geoff, but as of now, wala muna.

( Photo credit to carlaabellanafanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending