Julia pinanindigan ang pagiging 'Padre de Pamilya' | Bandera

Julia pinanindigan ang pagiging ‘Padre de Pamilya’

Ervin Santiago |April 17,2014
facebook
share this

Julia pinanindigan ang pagiging ‘Padre de Pamilya’

Ervin Santiago - April 17, 2014 - 03:00 AM

HANGA kami sa husay na ipinapakita ngayon ni Julia Montes sa Primetime Bida seryeng Ikaw Lamang. Halos lahat kasi ng nakakausap namin ay pumupuri sa akting ng young actress sa nasabing programa.

Ilang beses na rin naming napanood si Julia sa mga madadramang soap opera, pero ibang-iba na nga ang atake niya ngayon sa kanyang role sa Ikaw Lamang na piagbibidahan rin nia Kim Chiu, Jake Cuenca at Coco Martin.

Mas malalim, mas may puso at mas may kaluluwa ang pag-arte ngayon ng Kapamilya actress. Feeling namin, mas lumulutang talaga ang husay ni Julia kapag si Coco ang kasama niya, mas nagiging sensitive at natural siya sa kanilang mga eksena.

Kaya hindi na kami magtataka kung makakuha siya ng best actress trophy para sa Ikaw Lamang sa susunod na awards season sa TV.

Nakakatuwa rin ang mga nababasa naming komento tungkol sa dalaga, bukod sa mga papuring ibinibigay sa kanya ng mga manonood at mga netizen, marami rin ang nagsasabi na nananatili pa rin itong humble.

Wala tayong nababalitaang kanegahan tungkol sa kanya. Yung mga perception noon ng ibang tao na yumabang at lumaki na ang kanyang ulo ay tila namatay na ring kusa dahil parang wala naman talaga itong bahid ng katotohanan.

Anyway, naniniwala kami na patuloy ang swerteng dumarating sa career at personal na buhay ni Julia dahil sa kanyang kababaang-loob.

At ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya at mga fans ang tunay na nagdadala ng good karma sa kanya.
In fairness, maagang naging breadwinner ng family ang aktres at hanggang ngayon ay patuloy siyang nagsisikap para sa kanilang kabukasan.

Sa isang magazine interview, sinabi ni Julia na, “Aminado ako na umabot ako sa point na sabi ko, ‘Bakit ako? Ilang taon pa lang ako. Gusto ko lang maglaro, gusto ko mag-aral.’”

Ayaw din daw niyang nagpapakita ng kahinaan, nais niyang magpakatatag para sa mga mahal niya sa buhay, lalo na sa kanyang lola. “Ayokong maapektuhan sila.

Ang tingin nila sa akin, ako ‘yung strong sa family. ‘Pag nagpakita ako ng weakness, mawawalan sila ng loob. Ayokong maramdaman nila ‘yun.

Ako lang talaga ‘yung kailangang maging strong, ako ang sandalan nila. ‘Pag ako bumigay, lahat kami guguho. Kailangan poste ako,” sey pa ni Julia sa nasabing panayam.

In fairness, talagang halos pareho ang itinatakbo ng buhay nina Julia at Coco, ‘no? Hindi ba’t si Coco rin ang tumatayong breadwinner sa family nila at ginagawa lahat ng aktor para masiguro ang magandang kinabukasan ng lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi kaya sila talaga ni Julia ang itinadhana? Pwedeeee!!! Samantala, huwag palalampasin ang mga susunod na episode ng Ikaw Lamang dahil ngayon pa lang umiinit ang kuwento, marami pang rebelasyon at mga lihim na mabubunyag. Mapapanood pa rin ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to cocojulia fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending