Sexbomb Jopay, Joshua Zamora ikakasal na | Bandera

Sexbomb Jopay, Joshua Zamora ikakasal na

Ervin Santiago |April 16,2014
facebook
share this

Sexbomb Jopay, Joshua Zamora ikakasal na

Ervin Santiago - April 16, 2014 - 03:00 AM


Hahataw na sa sayawan, kuwentuhan at tawanan ang magkasintahang sina Jopay Paguia ng Sex Bomb Dancers at Joshua Zamora ngayong Miyerkules ng gabi.

At ang pinakamasayang balita, sa Tonight with Arnold Clavio unang inamin nila Joshua at Jopay na engaged na sila! Sinu-sino sa mga sikat na personalidad sa Eat Bulaga, kung saan dating naging bahagi si Jopay, ang tatayong ninong at ninang sa kanilang kasal?

Ikukuwento rin nila kung paano nag-propose si Joshua kay Jopay! Totoo bang hindi ito ang unang beses na nagplano silang humarap sa dambana?

Siguradong kikiligin ang marami sa nakatutuwang istorya ng kanilang pag-iibigan na lalong naging makulay dahil puno ito ng musika at sayawan!

Hindi rin siyempre sila palalampasin ni Arnold Clavio hangga’t hindi sumasalang sa mga kuwelang pakulo ng TWAC! Masusubukan na kung gaano nila kakilala ang isa’t isa!

Sino kaya sa dalawa ang mananalo? Makisaya at makisayaw ngayong gabi, sa Tonight with Arnold Clavio, 10 p.m., sa GMA News TV.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending