Siniguro ni Kuh: Hinding-hindi ako malalaos! | Bandera

Siniguro ni Kuh: Hinding-hindi ako malalaos!

Ervin Santiago |April 16,2014
facebook
share this

Siniguro ni Kuh: Hinding-hindi ako malalaos!

Ervin Santiago - April 16, 2014 - 03:00 AM


“Hindi ako malalaos!” Mailap sa interview ang Pop Diva ng bansa na si Kuh Ledesma pero kapag nagsalita, diretso kung sumagot ang Pop Diva.

Ngayong Miyerkules, sa isang pambihirang pagkakataon, bubuksan ni Kuh ang kanyang bahay at personal na buhay sa nag-iisang lifestyle show  ng GMA, ang Powerhouse.

Sa Indang, Cavite matatagpuan ang apat na ektaryang Hacienda Isabella na pagmamay-ari ni Kuh. Isinunod ang pangalan nito sa kaisa-isa niyang anak na si Isabella.

Mahilig si Kuh sa antique at kagamitang makaluma ang tema. Sa katunayan, mula sa lumang kahoy sa mga ginigibang bahay, nagpapagawa siya ng furniture na siya ang nagdidisenyo.

Bukod sa  antique, marami ring makikitang framed Bible verses na nagpapakita kung gaano karelihiyosong tao si Kuh. Mayaman at sosyal ang kadalasang role ni Kuh sa telebisyon at pelikula pero sa totoong buhay ay nagmula siya sa isang lower middle class na pamilya.

Ang kasipagan niya noong bata pa siya  ang nakatulong para umangat siya sa buhay. Nursing ang kursong kinuha ni Kuh kahit na ang arkitektura ang gusto niya.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadiskubre si Kuh bilang isang singer ng banda.  Doon na nagsimula ang singing career niya.

“Ang  pinakaimportante para sa akin, para hindi mo masayang iyong mga taon na pinipilit mo ‘yung gusto mo sa buhay mo,  seek God and His plans for you kasi tayong lahat may kanya-kanyang plano ang Diyos,” ang payo ni Kuh sa mga gusto ring magtagumpay.

Sa kanilang kuwentuhan ng Powerhouse host na si Kara David (na mapapanood na ngayong gabi gabi pagkatapos ng Saksi), may mga intriga siyang sasagutin tungkol sa role niya bilang ina ni Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Bakit nga ba ayaw niyang sampalin si Carla sa isang eksena? Anti-poor nga ba siya? Pati ang isyu tungkol sa pagiging lesbiyana raw niya ay bibigyang  linaw ni Kuh.

Pero higit sa mga intriga, isang nakaka-inspire na Kuh Ledesma ang dapat abangan, aniya pa, “Hindi ako malalaos. Walang laos na anak ng Diyos. Lagi ka niyang gagamitin. Lagi kang sikat, parang sikat ng araw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending