Kris makasarili daw, hinawahan ng sumpa at kamalasan si Bistek | Bandera

Kris makasarili daw, hinawahan ng sumpa at kamalasan si Bistek

Ambet Nabus |April 16,2014
facebook
share this

Kris makasarili daw, hinawahan ng sumpa at kamalasan si Bistek

Ambet Nabus - April 16, 2014 - 03:00 AM

Speaking of Kris, mukhang hindi nga nakatulong ang katabilan niya sa imahe ni Q.C. Mayor Herbert Bautista na biglang nabanderang mayroon na palang mga anak sa dalawang magkaibang mga babae, na ang huli nga’y (Tates Gana) kinasama niya ng matagal na panahon.

Though wala namang balita o tsismis na naghiwalay na nang pormal sina Bistek at Ms. Tates na siyang nakasanayan ng kuneksyon ng mga taga-showbiz para makarating kay Mayor, biglang may assumption ngang wala na sila dahil sa ginawang anunsyo ni Tetay.

Hindi nagsasalita si Tates pero biglang nadamay ang mga anak nila nang kumalat nga ang tsika. Ang latest pa naming nabalitaan, apektado ang mga ito dahil akala pala ng mga bata ay kasal ang kanilang mga magulang at si Kris ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito?

Hala, sabi na nga ba’t manganganak nang manganganak ang isyu at kung paano itong iha-handle ni Kris ngayong lalo pa’t lumalabas na “very selfish” sa kanyang “love love love” emote, eh, siya nga nating aabangan sa Easter Sunday. Ha-hahaha!! Easter Sunday talaga, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending