Vhong tinawag na rapist, duwag ni 'Deniece Cornejo' sa social media | Bandera

Vhong tinawag na rapist, duwag ni ‘Deniece Cornejo’ sa social media

|April 15,2014
facebook
share this

Vhong tinawag na rapist, duwag ni ‘Deniece Cornejo’ sa social media

- April 15, 2014 - 05:31 PM

ISANG Instagram account na pinaniniwalaang pag-aari ni Deniece Cornejo ang naglabas ng sunud-sunod na pahayag laban sa aktor/TV host na si Vhong Navarro.

Sa isang post, tinawag pa ng pinaniniwalaang si Cornejo si Navarro na isang duwag.

“Vhong Navarro, huwag kang duwag! Huwag mo pairalin kasikatan mo hindi porket artista ka pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo! Babae ako alam ko karapatan ko! At ipaglalaban ko hanggang sa huli!” said one post attributed to “Deniece Cornejo” by Instragram handler “onlyrealdeniece.”

Nai-post ang nasabing pahayag nitong Lunes, araw kung kailan inilabas din ng Metropolitan Trial Court ang warrant of arrest laban kay Cornejo, Cedric Lee, at limang iba pa kaugnay sa pambubugbog sa aktor noong Enero 22.

Hindi pa nailalabas ng Taguig City Regional Trial Court ang warrant of arrest laban sa pito para sa kasong serious illegal detention na isang non-bailable offense.

Sa ilan pang post na inilabas ni “onlyrealdeniece”, nanawagan din ito na wakasan na ang umano’y “special treatment” na ibinibigay sa sa isang serial rapist.

“In [Jesus’] name, don’t glorify the SERIAL RAPIST! Stop the special treatment! Those who have used and abused their power, those who conspired with the abusers will someday meet the great equalizer,” ayon pa sa post.

Nanawagan din ito sa Department of Justice na maging mapagbantay.

“Calling DOJ to be vigilant to judge. Will you tolerate someone who has a history of rape? RAPIST CAN BE ANYONE?”

“Very obvious wala pang 10 days ni-resolve na? Why because of the coming soon movie? We wanna know who are the people behind this. STOP MANIPULATING PEOPLE! Very corrupt country!”, hirit pa nito.

sa pinakabago niyang post, binatikos din ni “onlyrealdeniece” ang isang television station dahil sa pagkampi nito sa isang rapist.

“Dear station, open your eyes! Alam ko hindi kayo papayag mapahiya kaya ginagawa ninyo ang lahat kaya masyado na kayo kumpyansa. Lalo nyo lang pinapalakas ang loob ng isang RAPIST! Hindi ako makakapayag dumami pa ang rape victims nya! J-U-S-T-I-C-E!!!” dagdag pa ng kanyang post.

“Huwag n’yong lasonin ang taong bayan! Walang tatakas sa ibang bansa dahil expired na ang passport. Huwag mangiral ang negosyo sa inyo!!!” dagdag pa nito.

Sinikap ngunit nabigo ang Inquirer.net at maging ng Bandera na makontak at makausap ang panig Cornejo para beripikahin kung sa kanya nga ang nasabing Instagram account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Photo: “Deniece Cornejo” Instagram, Inquirer.net

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending