HOROSCOPE, April 15, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 15, 2014

Madam Sophia |April 15,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 15, 2014

Madam Sophia - April 15, 2014 - 03:30 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng kulay na pula o kaya’y berde upang tuluy-tuloy mong masagap ang magandang kapalaran. Full moon ngayon, sa pag-ibig dagdag na suwerte at masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 19, 28, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag kang makisawsaw sa problema ng iba. Sa pinansyal, atupaging mabuti ang mga bagay na pagkakaperhan. Sa pag-ibig, ang sarili mong kasuyo ang iyong pakialaman, huwag mamintas sa buhay ng iba. Mapalad ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Om”. Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa sariling diskarte at teknik ay mas kikita ka ng mas malaking halaga. Huwag umasa sa puhunan na hindi naman sa iyo. Sa pag-ibig, huwag iasa sa iba ang kaligayahan ng iyong kasuyo, ikaw ang dapat magpaligaya at magbigay ng pera sa kanya. Mapalad ang 6, 3, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Lilac at violet  ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Huwag pansinin ang mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Habang bumibilog ang buwan, ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan na rin  ang kasuyo na maging mukha salapi. Mapalad ang 5, 17, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Gray at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon pa lang umpisahan mo nang i-practice ang diwa ng Semana Santa. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Sa ganyang paraan, kusa nang mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind at darating ng kusa ang maraming pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Durga-Om.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Upang hindi  mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon ay pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan—mabuti man o masama, hayaan mo lang na dumaloy sa iyong harapan. Sa attitude na “Come what may!” ay higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 7, 28, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Upang magtagumpay sabihin ang iyong nararamdaman kaysa magtago ng galit at poot sa iyong puso.  Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Sa pinansyal sa darating na Abril lalo pang aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Lagyan ng lambing ang ginagawa. Higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa pag-ibig, mamayang hapon ay uwian ang kasuyo ng isang bagay na bilog, kapag hinati ay nagiging triangle.  Mapalad ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Purple at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius, may magandang kapalarang makakamit. Isang Sagittarius din ang lulutas ng iyong prolemang may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, patuloy sa pag-aligid ang isang Aries na noon pa may pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi fairy tale ang buhay kaya huwag maniwala sa biglang suwerte at sa mga napapanood sa telebisyon. May mga bagay na hindi totoo! Kailangang magtrabaho upang magkapera at sa pag-ibig, kailangang magmahal upang lumigaya. Mapalad ang 3, 9, 29, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.”  Magenta at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Huwag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Hahaba ang buhay kung iingatan ang kalusugan habang patuloy na nagmamahal. Mapalad ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isa-isang babalik sa ala-ala ang mga nakaraang pagkakamali. Hindi ka dapat maalarma, ito ay nagsisilbing paalaala lamang ng unconscious self na ang naraang pagkakamali ay hindi mo na dapat pang ulit-uliting gawin. Mapalad ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Huwag panghinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka na hanggang sa yumaman ka na rin. Sa pag-ibig, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Mapalad ang 2, 7, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending