Foreigner BF (2) | Bandera

Foreigner BF (2)

Joseph Greenfield |April 15,2014
facebook
share this

Foreigner BF (2)

Joseph Greenfield - April 15, 2014 - 03:30 AM

Sulat mula kay Minda, ng Barangay Del Carmen,  Iligan City
Problema:
1.      Mag-iisang taon ko nang ka-chat ang foreigner at mahigit sa kaibigan ang aming huntahan sa internet at cam.   BF-GF na kung ituturing ang laman ng mga pag-uusap namin at ngayon ngang kapaskuhan ay darating siya at ang sabi niya’y magpapakasal na raw kami.
2. Siya na ba ang mapapangasawa ko?  Magiging maligaya ba ako sa kanya?  Siya po ay isinilang noong Peb. 2, 1969 at ako naman ay Nob. 29, 1991.

Umaasa,
Minda, ng Barangay Del Carmen, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) habang Pisces naman ang boyfriend mo na nakilala sa internet ay nagsasabing compatible kayo. Sapagkat ang Scorpio at Pisces ay may isang elemento – ang elementong water o tubig. Ibig sabihin ang pagsasama ng dalawang tubig ay sadyang nagiging maunlad at maligaya. Kung saan, dahil tubig ang elementong naghahari sa inyong buhay, sa una nyong pagkikita, may patak ng ulan na kakalat sa kapaligiran.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa. Habang ang birth date ng ka-chat mo ay nabibilang sa weak number o mahinang numero, kaya sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, may posibilidad na kahit na mas matanda o mas may edad siya sa iyo u-underin mo lang siya at susunod sa lahat ng iyong mga naisin at gusto.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon, panatiliin ang pagsusuot at paggamit ng kulay na berde at dilaw. Samantalang sa araw ng inyong kasal pula naman ang dapat gamiting motif. Sa ganyang paraan, magtutuloy-tuloy ang iyong suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pag-aasawa.
Huling payo at paalala:
Minda, ayon sa iyong kapalaran sa taon ito magsisimula na ang iyong suwerte, sa pagdating ng kaibigan o boyfriend mong foreigner. Tulad ng inaasahan sa kanyang pagdating dito sa ating bansa, aayain ka na niyang magpakasal. Sunggaban mo agad ang napakagandang pagkakataong nabanggit, sapagkat sa taon ding ito, sa iyong pag-aasawa, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka, makapag-aabrod ka,  uunlad at sa ibang bansa habambuhay na liligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending