Maraming female stars ang inggit kay Erich Gonzales | Bandera

Maraming female stars ang inggit kay Erich Gonzales

|December 26,2011
facebook
share this

Maraming female stars ang inggit kay Erich Gonzales

- December 26, 2011 - 03:18 PM


Lalabas na ang katotohanang magpapalaya kina Maria (Erich Gonzales) at Luis (Enchong Dee) sa Maria la del Barrio ngayong huling lingo ng 2011.

Sa gitna ng pagdurusa ni Fernando (Ian Veneracion) sa sakit na leukemia, saksihan kung paano malalantad sa lahat ang kasinungalingang binuo nina Victoria (Angel Aquino) at Sandra (Assunta de Rossi).

Ano’ng magaganap sa sandaling malaman nina Maria at Luis na hindi sila magkapatid? Handa ba silang kalimutan ang lahat upang magsimula muli?

Huwag palampasin ang top-rating Primetime Bida teleseryeng Maria la del Barrio, gabi-gabi, pagkatapos ng Reputasyon sa ABS-CBN.

Speaking of Erich Gonzales, in fairness marami ang nainggit sa aktres dahil sa pagtatambal nila ng guwapong Thai actor na si Mario Maurer.

Wish nila sana raw ay sila na lang si Erich para mapalapit at magkaroon sila ng chance na maging dyowa ng foreign model-actor.

Pero sabi nga namin, talagang maswerte si Erich dahil sa dinami-dami ng mga sikat na female youngstars sa ABS-CBN, siya ang napili na maging ka-loveteam sa pelikulang pagbibidahan ni Mario. Kaya nga hindi natin maiiwasan ang mga chika na ganyan na talaga kalakas si Erich sa Dos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending