I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |April 02,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - April 02, 2014 - 03:35 AM

Mula kay Marlene ng GenSan. October 8, 1961 ang birthday ko. Ano po ba ang buenas kong number at kulay?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, mapalad ka sa kulay na berde at pula, higit lalo tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo, Setyembre at buong singkad ng Oktubre, sa taon ito lalo na sa petsang 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, at 28, habang ang mapalad mo namang petsa ay lahat ng numero na may sumatotal na 6, tulad ng 15, 24, 33, 42, at iba pang kauri nito, gayon din ang lahat ng numero na may petsang 1, tulad ng 10, 19, 28, 37 at iba pang kauri nito.

Mula kay Eloisa ng …4134. June 23, 1980 ang birthday ko at December 13, 1978 naman ang mister ko. Kailan kaya kami magkakaroon ng sariling house and lot?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday ninyo, sa susunod na taon 2015 magkakaroon na kayo ng sariling house and lot.

Mula kay Romy ng …3710. March 26, 1984 ang birthday ko. Ako po ay isang seaman at dati na akong nakapag-abroad, kailan kaya uli ako makapag-aabroad?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa taon ding ito, sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, muling itatala ang isang mabiyaya at mabungang pangingibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending