I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |March 24,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - March 24, 2014 - 03:22 AM

Mula kay Annaliza ng …5612. October 16, 1990 ang birthday ko. Sinu-sino kaya ang ka-compatible ko at kailan ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, compatible ka sa isinilang sa zodiac sign na Aquarius, Gemini, Taurus, Aries, Virgo at kapwa mo Libra higit lalo silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24, kung saan sa taon ding ito  magkaka-boyfriend ka na ng lalaking may zodiac sign na Virgo.
-o-o-o-
Mula kay Genie ng …6041. October 23, 1990 ang birthday ko. Kailan darating sa akin ang tamang lalaki na dapat kong mahalin na hindi na ako sasaktan.
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, upang hindi ka na muling masaktan sa pag-ibig piliin mo ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces at Taurus na may birth date na 3, 12, 21, 30, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, kung saan, nakatakda siyang dumating sa taon ding ito.
-o-o-o-
Mula kay Ceazar. June 19, 1979 ang birthday ko. Sagutin kaya ako ng babaing nililigawan ko na may birthday na April 22, 1984?
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, ang babaing nililigawan mo, kung ikaw ay medyo kayumanggi ang balat, medyo chubby ang pangangatawan, sigurado na ang magaganap, sa taon ding ito sasagutin ka ng babaing iyong nililigawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending