Jericho na-shock sa mga pasabog ni Love | Bandera

Jericho na-shock sa mga pasabog ni Love

|December 09,2011
facebook
share this

Jericho na-shock sa mga pasabog ni Love

- December 09, 2011 - 03:15 PM

NAMULA ang Diamond Star na si Maricel Soriano nu’ng sabihin ni Jericho Rosales sa presscon ng “Yesterday Today Tomorrow” na official entry ng  Regal Multimedia sa 2011 Metro Manila Film  Festival na madalas niyang titigan ang aktres.

Hindi pa rin kasi yata makapaniwala si Jericho na nakatrabaho at nakasama niya sa pelikula si Maria.

Matagal na ngang dream ni Echo na makatrabaho si Maricel at hanga raw siya sa husay nito bilang artista.

This is one of the reasons daw kung bakit thankful din si Echo sa Regal sa pagsama sa kanya sa “YTT” na kauna-unahan din na pelikula ng multi-awarded actor sa  movie outfit ni Mother Lily Monteverde.

Nakakatuwa rin namang pagmasdan na nakaupo sa presidential table ng “YTT” presscon si Jericho kasama  ang mga artista from other networks gaya nina Lovi Poe, Carla Abellana at Dennis Trillo.

Kasama rin dito ang dating Kapuso star na si Paulo Avelino. Incidentally, Echo, Paulo and Dennis are all binatang ama.
Ang lakas-lakas talaga ni Mother Lily (or should we say well-loved) sa executives ng ABS-CBN, GMA at TV5  at pinayagan ang kanilang exclusive stars na lumabas sa “YTT.”

Aware and thankful si Echo na personal choice siya ni Lovi bilang mister niya sa movie. Hindi naman makapaniwala si Echo sa pag-amin ni Lovi na  matagal na niyang crush ang aktor, kahit nu’ng ‘di pa man siya nag-aartista.

“Sinasabi ko nga sa kanya na, ‘Kasi ikaw, kung anu-ano ang mga sinasabi mo.’ Nakakatawa na kasi minsan, magkadikit na kami, tapos tinatanong kami sa isa’t isa. But more than that, I think blessed ako na nakilala ko siya at nakasama ko siya sa trabaho and I wanna work with her again.

Dedicated siya at magaling siya,” sabi ni Echo.

Kunsabagay, parehong loveless ngayon sina Echo at Lovi. Kung ma-link man sila sa  isa’t isa, walang ibang taong masasaktan.

Patuloy naman si Echo sa pag-shine hindi lang sa pagpapabuti sa kanyang craft bilang aktor kundi pati na rin sa pagiging top at most credible celebrity product endorser. Kamakailan ay napili siya bilang isa sa Most Beautiful Celebrities at Top Celeberity Endorsers ng 2011.

No wonder padagdag nang padagdag ang ini-endorse ni Echo gaya ng bagong produktong Vantage Razors. Ang Vantage ay isang brand ng mga safe razors exclusively designed and distributed ng Bloomworks Inc..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m so motivated every time I go to work lalo na with a clean shave. I feel extra confident knowing na ako ay well-groomed. Malaking tulong ang nabibigay sa akin ng Vantage dahil nagkakaroon ako ng added excitement knowing that I can do my work confidently and with ease each day,” kwento ni Echo.

Sa ngayon, ang pinu-pursue naman ni Echo ay matupad ang isa pa niyang dream na makapagdirek. Wish nga niya for 2012, sana ay makapagdirek siya sa Maalaala Mo Kaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending