I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |February 28,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - February 28, 2014 - 03:29 AM

Mula kay Rhona Tan ng Brgy. Consuelo, Florida Blanca, Pampanga. July 17, 1995 ang birthday ko. Makapag-aaral ba akong muli?

Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong July 17, 1995 muli kang makapag-aaral sa darating o sa susunod na pasukan, at ang ikinaganda pa nito, kahit hindi ka makapag-aral, siguradong yayaman ka. Ang palatandaan na yayaman ka, maraming mga pagsubok at paghihirap na darating sa iyong buhay, kapag nangyayari na sa iyo ang mga bagay na nabanggit, ito ay pahimakas lamang na sa edad mong 40 pataas magsisimula ka ng yumaman, nakatapos Kaman ng pag-aaral o hindi. Dahil ang karaniwang nangyayari sa mga taong may birth date na 17 ay yumayaman, sa pagtuntong nila ng edad na 40 o kaya’y 50 pataas. 

Mula kay Eric ng …4873, Cebu City. September 12, 1971 ang birthday ko at April 24, 1977 ang girlfriend ko. Compatible po ba kami sa isat-isa at kami po ba ang magkakatuluyan?

Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthdaymongSeptember 12, 1971 at April 24, 1977 ang girlfriend mo, compatible kayong dalawa, kaya siguradong-sigurado ng kayo ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending