Claudine tinawag na abusado at bastos ang mga abogado | Bandera

Claudine tinawag na abusado at bastos ang mga abogado

Ervin Santiago |January 21,2014
facebook
share this

Claudine tinawag na abusado at bastos ang mga abogado

Ervin Santiago - January 21, 2014 - 03:00 AM


UMEKSENA na naman si Claudine Barretto nitong nakaraang weekend kaya usap-usapan na naman siya at ang nakahiwalay na asawang si Raymart Santiago sa social media.

Talagang hindi pa rin paaawat ang aktres sa kanyang emosyon, ayaw niyang tumigil sa pagpo-post ng mga mensaheng tiyak na makapagpapalala pa sa iskandalo sa kanilang pamilya.

Last Friday kasi, nag-post nga itong si Claudine sa kanyang Twitter account (ang @itsmeclaudineb) na isang nakakalokang message na pinalalagay ng marami na may kinalaman pa rin sa kaso nila ni Raymart.

Meron siyang tinawag na bastos at abusadong abogado. Ani Claudine, “Hay Sum LAWYERS sobrang Feeling talaga. Abusado na Bastos pa!”

Siyempre, naging curious ang followers ng aktres kung sino ba ang pinatatamaan niya sa kanyang tweet. Marami ang naniniwala na ang legal counsel ni Raymart ang tinutukoy ng aktres.

Pero meron ding nagtanong kung ang abogado ba niyang si Atty. Ferdinand Topacio ang kaaway niya. Itinanggi na ni Atty. Topacio ang bintang, hindi raw siya ang pinatatamaan ng kanyang kliyente, kasabay ng pagsasabing meron siyang natanggap na ulat tungkol sa diumano’y pambabastos kay Claudine ng kampo ni Raymart.

May ilan kaming nakausap na nagsasabing desperada na talaga si Claudine sa buhay niya, kung anu-ano na lang daw kasi ang mga ginagawa nitong kadramahan para magpapansin at makakuha ng simpatya sa publiko.

Siguro raw ay feel na feel na nito na mas maraming kumakampi sa dati niyang asawa kesa sa kanya. Kahit sa social media ay mas marami ang naniniwala kay Raymart kesa kay Claudine, kaya sana raw ay mapagbigyan na ang aktor sa kahilingan nito na makasama na ang kanyang mga anak na patuloy pa ring ipinagdadamot ng dati niyang asawa.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending