Kris: Bine-bless ako kasi wala akong sex! | Bandera

Kris: Bine-bless ako kasi wala akong sex!

Ervin Santiago |January 15,2014
facebook
share this

Kris: Bine-bless ako kasi wala akong sex!

Ervin Santiago - January 15, 2014 - 03:00 AM


Buong-ningning na sinabi ni Kris Aquino na naniniwala siya na ang kaliwa’t kanang swerte na dumarating sa buhay niya ay dahil sa kawalan niya ng sex life.

“I know my priorities siguro kaya bine-bless ako because I don’t have sex,” ayon kay Kris sa interbyu ni Boy Abunda sa kanya sa Kris TV kahapon ng umaga.

At dahil din daw sa pagiging “celibate” niya kaya grabe ang tinamong tagumpay ng “My Little Bossings,” na pinagbidahan nga ng kanyang anak na si Bimby.

“Ngayon ko na-realize pala talaga na it’s possible na ‘yung kaligayahan mo it doesn’t come pala from fulfillment sa sarili but it comes from seeing people loving your child.

Sinabi ko nga, nagdarasal ako, ‘God, ano ba ang nagawa kong bongga para ibigay mo ito kay Bimb?’ Kasi hindi ba nasa Biblia ‘yon na kung ano ang itanim mo bilang magulang ‘yon ang aanihin ng anak.

So sabi ko, ‘Thank you God,'” sey pa ni Kris. “Kasi siguro mabait ako, kasi siguro celibate ako, sorry I have to say, let’s be honest..

.I’m just saying na siguro parang alam ko kung ano ang priorities in life ko and siguro talaga kung ano ang pinakamahalaga sa iyo, ‘yun ang ipagkakaloob sa iyo ng Diyos at ang pinakamahalaga sa akin ay ‘yung dalawang anak ko,” ani Kris.

Dagdag pa ni Tetay, sa ngayon hindi na siya umaasang magkakaroon ng bagong boyfriend, “Noong nagdasal ako, sinabi ko, ‘God, basta happy na ang boys ko, happy sila, kahit walang partner, okay na ako.

But please don’t make me feel lonely lang. “‘Yung parang kung ano man ang fulfillment na nararamdaman ko with them, sana pagpatuloy mo. Pero kung darating ‘yung point na lonely ako, ikaw na ang bahala,'” ani Kris.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending