Quantcast

HOROSCOPE, January 10, 2014

By

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito ng 2014 ay tumulong  sa mga nangangailangan upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong  ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)   —Hindi ka dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong diyan ka kumikita ng pera. Sa pag-ibig, tama ang suwestyon ng kasuyo, kailangang muli kayong magkita upang muling sumigla ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Violet at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan. Ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 1, 5, 10, 14, 20, at 39. Mahiwaga  mong mantra: “Adonai-Elohim-Elshaddai.” Pink at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Huwag umasa sa iba, nasa mga paa mo ang paraan upang yumaman. Lumakad nang lumakad hanggang makatalisod ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kapag alis ka nang alis ng bahay ay matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ay iwasang magdesisyon nang nakabatay sa damdamin. Utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Red at lilac  ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ay huwag maghinala nang hindi maganda sa mga nakakausap sapagkat darating ang panahong isa sa kanila ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang ang suyuan ay lalo pang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Namo-Namo-Aum.” Orange at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat nang todo ang kabuhayan. Sa pag-ibig, huwag kang kabahan dahil higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Mapalad ang 1, 4, 28, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dosya- Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig,  huwag buntot nang buntot sa kasuyo, kailangang mag-isip ka ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 9, 21, 27, 39, at 45. Mahiwagwa mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Blue at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Pahalagahan ang dalawang bagay, salapi at relasyon. Sa pag-ibig, huwag balewalain ang mga sweet message ng kasuyo, mag-reply ka naman kahit minsan. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Purple at gold ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dahil malamig ang panahon, uso na naman ang sakit. Huwag magpapakagutom at laging mag-exercise. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay magpamasahe sa minamahal upang bumuti ang pakiramdam. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Hindi dapat panghinaan ng loob. Sa taong ito ng 2014, sa pamamagitan ng tapang, mas lalong kang yayaman. Sa pag-ibig, lakas-loob na yayain ang kasuyo sa isang tahimik at pribadong lugar. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Aum Savitre.” Green at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ituloy ang binabalak na lakad. Sa malayong lugar ay makakatagpo ng dagdag na pagkakakitaan at maligayang pag-ibig. Mapalad ang 3, 15, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taon ito ay maghahanap ka na naman ng mahihiraman ng pera. Lumapit sa kaibigang Cancer. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magseselyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at white ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2014,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94



Metro Manila Film Festival - Bandera Inquirer coverage

TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement