Vice gusto nang hiwalayan ang dyowang basketball player, sawa na sa patagong pagkikita | Bandera

Vice gusto nang hiwalayan ang dyowang basketball player, sawa na sa patagong pagkikita

Ervin Santiago |January 08,2014
facebook
share this

Vice gusto nang hiwalayan ang dyowang basketball player, sawa na sa patagong pagkikita

Ervin Santiago - January 08, 2014 - 03:00 AM

Hirap na hirap pala si Vice Ganda sa pagtatago ng kanyang lovelife. Ayon sa TV host-comedian, masaya ang kanyang personal na buhay pero siyempre, laging may kapalit na pagsasakripisyo ang pagmamahal.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang kumpirmasyon si Vice sa tunay na identity ng kanyang boyfriend, pero ang alam ng lahat ay isa itong young basketball player.

“Ang dami namang alegasyon. Ang daming lumalabas na pangalan, pero wala akong kino-confirm. Hayaan mo na silang mag-isip. Hayaan mo na silang magbato ng pangalan, pero wala akong kinu-confirm,” chika ni Vice sa Buzz Ng Bayan.

Pero kahit nga patago ang pagkikita nila ng kanyang dyowa, feeling niya proud na proud ito sa kanyang mga achievements, “Alam ko, noong New Year, nag-text siya. Kasi nga, wala ako sa Pilipinas.

“Ang sabi niya, ‘Kahit wala na akong buhok, kahit hindi na ako nakakatakbo,’ sabi niyang ganu’n, ‘ako pa rin ang magiging number one supporter mo na tahimik lang.’

“Sabi niya, ‘Hindi ko kailangang sabihin sa buong mundo. Ang importante, nasabi ko sa ‘yo.’” kuwento ni Vice. Gaano kahirap ang mag-maintain ng isang lihim na love affair, “Sobrang hirap. Hindi talaga kami lumalabas dito sa Pilipinas.

Sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo, kung gagawa tayo ng pelikula, ang title ng pelikula natin, Pag-Ibig sa Dilim.’ “Kasi, noong isang araw, sabi ko, ‘Itigil na natin ‘to.’ Sabi niya, ‘Ano ang sinasabi mo?’ Sabi ko, ‘Oo, itigil na natin.

Nagsasawa ako sa apat na sulok ng kuwartong ito. Hindi tayo makalabas.’” “Pero sabi ko nga, ang gulo na ng buhay ko. Natatakot ako na magugulo siya at ang pamilya niya,” sey pa ni Vice.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending