Gayuma at orasyon | Bandera

Gayuma at orasyon

Joseph Greenfield |December 23,2013
facebook
share this

Gayuma at orasyon

Joseph Greenfield - December 23, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nerissa,
ng Barangay Banonong, Dapitan City
Dear Sir Greenfield,
Malas ang taon na ito sa akin.  Sumama ang mister ko sa ibang babae at iniwan sa akin ang aming mga anak.  Magkakalahating taon na siyang hindi nagte-text, tumatawag o nagpapakita sa amin.  Hirap na ako sa pagbuhay sa aming mga anak.  Kapag tulog na ang mga bata ay umiiyak ako.  Ayaw kong ipakita sa kanila na umiiyak ako.  Mahal ko ang asawa ko at gusto kong bumalik siya at tatanggapin ko pa rin siya sa kabila ng kanyang mga kasalanan.  Bigyan mo ako ng gayuma at orasyon para bumalik ang asawa ko.
Umaasa,
Nerissa, ng Barangay Banonong, Dapitan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May magandang balita.  Kahit naman pabalikin mo siya o hindi, kusa rin siyang uuwi ng iyong bahay pagdating ng panahon. Ito ang nais sabihin ng iisa lang naman na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses ka lang makapag-aasawa at iyon ay magiging panghabambuhay na.
Cartomancy:
“Pansamantalang pagsubok lamang ang nararanasan ng inyong pamilya sa kasalukuyan” – ang nais sabihin ng barahang Queen of Spades, Eight of Hearts at Queen of Diamonds, kung saan, sa buwan ng Agosto, tiyak na muling babalik ang iyong asawa sa piling niyo, magpapakatino na siya, kaya sa panahong iyon lalong uunlad at higit na mas magiging maligaya ang inyong pamilya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending