Sir Chief lumabas ang kahambugan, ipinagyayabang ang mga kayamanan | Bandera

Sir Chief lumabas ang kahambugan, ipinagyayabang ang mga kayamanan

Alex Brosas |December 15,2013
facebook
share this

Sir Chief lumabas ang kahambugan, ipinagyayabang ang mga kayamanan

Alex Brosas - December 15, 2013 - 03:00 AM


Marami ang nagtatanong kung bakit nag-react si Richard Yap sa isang blind item na inilabas ng isang website? At bakit naman hindi? Wala ba siyang karapatan na sumagot sa itinatanong sa kanya?

Ang feeling kasi ng detractors ni Richard ay sana’y hinayaan na lang niya ang issue na mamatay at hindi na sinagot iyon.
We feel na hindi naman tama ‘yon.

Bakit naman niya sisikilin ang kanyang sarili sa paged-defend sa kanyang sarili? Hindi ba karapatan din ng publiko na marinig ang kanyang panig?

Siguro’y nasaktan lang ang blogger sa naging sagot ni Richard kaya inilabas nito ang interview namin which was picked-up by another blogger na siya namang pinick-up ng Fashion Pulis.

Actually, humanga nga kami kay Richard kasi matapang niyang hinarap ang issue sa kanya, hindi siya nagpaligoy-ligoy at hindi siya nagpakitang napikon siya sa alegasyon sa kanya.

When Richard told us na meron na siyang Rolex watch noong nag-aaral pa lang siya ay hindi namin siya pinagdudahan.
Pero ang mga tao sa social media na mga dudero at dudera ay parang hindi makapaniwala.

“Wow, ha super yaman mo pala nung bata ka pa meron ka na rolex, eh bkit need mo pa mgwork as artista dpat bilyonaryo ka na ngyon!” say ng isang obviously ay wala pang Rolex.

“Ang yabang naman pala nya eh, rolex? bwahahhaha!!! sino maniniwala sa kanya? kinder pa lang sya nun?” tili naman ng isa pang hindi makapaniwalang meron ng signature timepiece si Richard bata pa lang.

Sinagot naman ng defenders ni Richard ang patutsada sa actor. One said, “Porke ba mayaman o may kaya na yung tao hindi na siya magbabanat ng buto at hihilata na lamang ba siya?”

Another shared na, “He just did it for his passion. Lahat ng tao may passion. May kilala ako super yaman na nila luzvizmin ang negosyo pero nagwowork pa rin sya as model kasi iyan ang passion nya.”

Oo nga naman. Napaka-IDIOT naman to think na porke mayaman na at may Rolex ay hindi na magtatrabaho ang isang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending