Sino ang TOP PICK ng GINEBRA sa DRAFT? | Bandera

Sino ang TOP PICK ng GINEBRA sa DRAFT?

Barry Pascua |October 17,2013
facebook
share this

Sino ang TOP PICK ng GINEBRA sa DRAFT?

Barry Pascua - October 17, 2013 - 03:00 AM

INAASAHANG titingalain ang crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel sa 39th season ng Philippine Basketball Association bunga ng pangyayaring pag-aari ng Gin Kings ang top pick ng darating na Rookie Draft.

Si Alfrancis Chua, na magbabalik bilang head coach ng Gin Kings, ay makakapamili kung sino sa tatlong higante ang kanyang gagawing No. 1 pick.

Bunga nito, papasok ang Gin Kings sa Philippine Cup nang may matinding twin tower combination dahil sa magtatambal sa frontiline sina Japeth Aguilar at ang No. 1 pick.

Kabilang sa mga higanteng lumahok sa Draft sina Gregory Slaughter, Ian Sangalang at Raymund Almazan. Si Slaughter ay isang seven-footer na tumulong sa Ateneo Blue Eagles na makamtan ang kanilang huling dalawang kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines.

Naging kandidato rin siya sa Gilas Pilipinas squad na sumegunda sa nakaraang FIBA Asia men’s basketball championship.
Si Sangalang ang Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association noong nakaraang taon.

Naglaro siya sa San Sebastian College kung saan naging kakampi niya si Calvin Abueva na ngayon ay naglalaro sa Alaska Milk.
Si Almazan ay isang 6-foot-8 sentro na kasalukuyang naglalaro sa Letran Knights na nangunguna sa 89th NCAA season.

Isang two-time Defensive Player of the Year ng liga, si Almazan ngayon ang frontrunner para sa MVP award ng NCAA.
Nakuha ng Gin Kings ang top pick buhat sa Air21 sa pamamagitan ng trade sa umpisa ng 38th season.

Tinalo ng Air21 ang Global Port sa lottery para sa No. 1 pick noong Biyernes. Ito ang unang pagkakataon mula noong 1996 na nakuha ng Barangay Ginebra ang No. 1 pick.

Noong 1996 ay ginamit ng Gin Kings ang top pick upang masungkit ang  6-foot-9 na si Marlou Aquino sa Draft. Ang 2013 PBA Rookie Draft ay gaganapin sa Nobyembre 3 sa Robinsons Manila.

Ang deadline ng pagsusumite ng application ay bukas, Oktubre 18. Ang iba pa’ng notable names sa listahan ng mga aplikante ay sina Nico Salva, Jake Pascual, Matthew Ganuelas at Kevin Alas na pawang manlalaro ng four-time PBA D-League champion NLEX Road Warriors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending