Mga mukha ng addiction | Bandera

Mga mukha ng addiction

Dr. Hildegardes Dineros |October 11,2013
facebook
share this

Mga mukha ng addiction

Dr. Hildegardes Dineros - October 11, 2013 - 03:00 AM

ANU-ano nga ba ang mga mukha ng addiction?

Pinakakilalang uri ng adiksyon ay ang drug addcition, alcoholism at kung anu-ano pang pinagmumulan ng substance abused.

Alam nyo na rin na kasama ang smoking dito.

Hindi rin pahuhuli ang sexual at food addiciton na pangakaraniwan lamang at hindi masyadong pinapansin.

Lalong napaka-ordinaryo na lang ang pagiging shopaholic at workaholic.

Alam nyo bang mayroon din tinatawag na religious addiction? Adiksyon rin ba ang paghahangan ng power and control?

Gusto mo bang maganda tingnan parati? Ito ay isa ring uri ng adiksyon sa plastic surgery and cosmetics. Ang addiction sa technology ay malala na ngayon.

Ang adiksyon ay karaniwan masama ang kinahihinatnan dahil ikinasisira ito ng buong pagkatao ng isang indibidwal.
May paraan ba na masupil ito? Kaya ba ng kaisipan na labanan ito? Posible bang ang negatibong enerhiya na nagdadala nito ay mapapalitan ng positibong enerhiya para maging maayos ang kalusugan ng tao?

Kapag lango ka na sa alak, hindi mo na kayang kontrolin ang anuman sa iyong kaisipan at emosyon. Syempre susunod din ang iyong katawan. Marami ang nasisirang parte ng katawan gaya ng atay, utak, mga ugat, puso at iba pa, kung ikaw ay lulong sa alak.

Pansamantalang nilulunod nito ang lahat ng iyong nararamdaman lalo na ang mga hindi ka-naisnais na mga eksperyensya.

Bagkus na harapin ang katotohanan, itinatago ang mga problema sa loob ng bote ng alak.

Ang kadalasang droga na ginagamit sa Pilipinas ay ang shabu.

Kapag natikman at naranasan ang “high’ na dala ng shabu, nandon ang pansamantalang sarap, aliw, at pagiging alerto dahil gising na gising ang kaisipan.

“Stimulant” kasi ang shabu. Dahil sa matinding pagkamulat ng kaisipan, maraming gustong gawin ang may tama rito na kung anu-ano. Andiyan na galaw siya ng galaw, hindi mapakali, pwedeng madaldal, sobrang malikot na pag-iisip.

Pinaparusahan ng kaisipan ang pisikal na katawan. Nananatili ito habang may epekto pa ang gamot, subali’t kapag pawala na, dito na nagkakaroon ng sintomas ng “withdrawal” o “crashing”.

Hindi magandang pakiramdam ito sa kaisipan kung kaya’t hahanapin na naman nya ang lunas nito sa pamamagitan ng muling pagdudurog, na nagiging bisyo na at nagtatapos sa pagka-adik.

Ang droga ay parang anay na unti-unting kinakain ang iyong katawan.na sinisinghot. Mula noon hanggang ngayon, pataas ng pataas ang dami ng nikotina sa sigarilyo dahil sa alam ng mga gumagawa nito na ang addiction ang magdudulot sa kanila ng mas malaing benta at tubo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa kalokohan na ginagawa ng manufacturer at pusher ng nikotina, ay ang paggawa ng “Lights”, ibig sabihin mababang antas ng kemikal, nguni’t pareho din kasi ang naninigarilyo ay u-ubos naman ng napakaraming pakete ng sigarilyo. Isa pang kasinungalingan at kalokohan din ay ang pag-benta o pag-sulong ng mga produkto na may nikotina gaya ng kendi at iba pa na “smokeless” kuno, na ang pakay ay para matigil ang pagsisigarilyo. Pero, pareho din na may nikotina at magiging adik ka pa rin.
(Abangan ang karugtong sa isang linggo)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending