HOROSCOPE September 23, 2013 | Bandera

HOROSCOPE September 23, 2013

Madam Sophia |September 23,2013
facebook
share this

HOROSCOPE September 23, 2013

Madam Sophia - September 23, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes ngayon! Pula ang magandang isuot na kulay upang magtuloy-tuloya ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig sa kulay na pula, ang libido ay lalong sisigla. Sa pinansyal, ang kulay na pula ang hahatak ng maraming pera. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna!” Silver at pink ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi dapat tumunganga! Kung hindi palalaguin ang iyong salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung magsasawalang kibo ka na lang, paano ka makaka-score sa minamahal. Ngayon na ang tamang sandali upang kumilos!  Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Purple at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Pagkain ang magbibigay ng suwerte. Sa paskong darating magluto ng mga pagkaing pampasko, ang nasabing kalakal ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, bago dalhin sa market ang nilutong bibingka, ipatikim muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Tetra-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Panahon na upang isakatuparan ang mga binabalak upang mas madaling  yumaman. Wag kasing isip ng isip at puro pangarap lang – aksiyon ang kailangan. Sa pag-ibig yayain na agad ang kasuyo sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 5, 7, 14, 22,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Huwag panghihinaan ng loob! Upang magkapera ng malaking halaga, sugod lang ng sugod ang dapat. Sa pag-ibig, wag matakot sa kasuyo, imbis na ikaw ang sumunod, siya ang pasunurin mo sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Mas madaling mapasunod ang  kausap, tumayo ng tuwid habang tinititigan  ang pagitan ng kanyang dalawang mata. Ibulong sa iyong sarili: “Mapapasunod kita!” Kapag nagawa mo yan, mas madali kang magtatagumpay sa negosyo at pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mayabeja-Kubera-Om.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Kung hindi magyayabang mas gaganda ang kapalaran. Kahit kumita ng malaking halaga, iskireto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sayong kagandahan, ngunit may isang naka-asul, na magbibigay sayo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa blue ang silver ay buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Panahon ngayon ng Libra, kaya lalong pang gaganda ang kapalaran. Ang mahalaga magsuot lagi ng kulay na pula. Ang pula ang hihigop ng mas maraming pera, habang sa pag-ibig, dahil sa kulay na pula, lalong sasarap at iinit pa ng husto ang romansa.  Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Upang hindi mahirapang magdesisyon, laging pairalin ang praktikalidad. Sa pag-ibig itigil na ang pagiging sobrong emosyonal. Sa pinansyal, hanggat palagi kang nagiging praktikal lalo kang yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” White at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   ‘Wag umasa sa ibang tao! Panahon na upang magiisip ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig iwasang magpauto sa isang kulot ang buhok at maitim ang kulay ng balat. Mapalad ang 6, 17, 26, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dheemari-Om.” Green at peach ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   ‘Wag daanin sa init ng ulo ang anomang problema! Sa pinansiyal, panatiliin ang pagiging mahinahon para dumami ang pera. Sa pag-ibig kung aawayin ang kasuyo baka “ma-outside de-kulambo” ka na naman. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 8, 19, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—   “Makararaos din!” – yan ang mahiwagang formula. Sa sandaling lagi mo yang binaggit, kusang makakaraos sa anomang problema. Sa pag-ibig, sa sandaling “nakaraos” lalo pang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending