Hubo’t hubad na mga litrato ni ‘Angel Locsin’ pinagpiyestahan sa FB, Twitter | Bandera

Hubo’t hubad na mga litrato ni ‘Angel Locsin’ pinagpiyestahan sa FB, Twitter

Julie Bonifacio |September 21,2013
facebook
share this

Hubo’t hubad na mga litrato ni ‘Angel Locsin’ pinagpiyestahan sa FB, Twitter

Julie Bonifacio - September 21, 2013 - 03:00 AM

Angel Locsin INQUIRER

KALMA lang si Angel Locsin nu’ng tanungin siya sa taping ng Toda Max sa diumano’y kumalat na nude photos niya. Matagal na raw lumabas ‘yun at ilang beses nang inilabas ng bashers niya sa social networking sites. Kaya naman hindi na siya na-shock nang ibalita naming kumakalat na naman ang mga ito sa social media.

Hindi na nga raw niya alam kung anong gagawin sa mga bashers niya. And she insists na ‘di siya ‘yung nasa litrato.

“Ay, hindi! Sobrang hindi. ‘Yun lang ang masasabi ko. Wala, hindi ko matandaan. Alam ko, sigurado ako na hindi talaga ako ‘yun. Pwede sa mga ganoong bagay na lumalabas, wala naman akong magagawa ‘di ba? So, pikit na lang,” lahad ni Angel.

Wala rin daw siyang planong gawin sa bashers niya. Sa kanya, wala naman daw siyang issue sa kanila, “Hindi ko naman sila kilala ng personal. So, wala, hello lang! Tsaka alam ko naman na gawa-gawa lang ‘yun,” sabi niya.

Nagbigay din ng pahayag si Angel tungkol sa mga naglalabasang sex videos ng ibang celebrities, “Wala, may barkada ako isa, meron. Pero hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya kasi kilala ko siya,” diin niya.

Ang tinutukoy niya ay ang singer na si Chito Miranda na may kumalat na sex video with his girlfriend Neri Naig. Magkabarkada sila ni Angel although natsismis din sila na nagkaroon ng relasyon noon more than frends.

“Hindi totoo ‘yun. Magkaibigan lang talaga kami. Pinagseselos lang namin noon si Kaye (Abad),” natatawang sabi ni Angel.

Kinumpirma naman ni Angel na simula ngayong Sabado episode ng Toda Max opisyal nang kasali sa cast ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Sa ilang episodes na nakasama niya si Ai Ai sobrang saya raw nila sa taping.

“Napakatotoo kasi ni Ms. Ai Ai. Kapag kausap mo siya, kung ano ‘yung nakikita mo sa TV, ganoon din siya sa personal. Saka hawak niya ang Box-Office Queen na title ng ilang taon tapos walang kaere-ere,” puri niya kay Ai Ai.

Una raw silang nagkatrabaho ni Ai Ai nu’ng mag-guest ang Comedy Queen sa Toda Max, ninerbyos daw siya that time,

“Kinukwento ko nga kay Direk (Malu Sevilla, direktor ng Toda Max), kasi si Direk at Ms. Ai Ai dati, parang sabi ko, ‘Direk, nate-tense ako. Paano kung humirit ako tapos waley? Tapos masira ‘yung timing ni Ms. Ai Ai?’ Sabi ni Direk, ‘Hindi, hindi ‘yan.’”

Nalinaw din ni Angel na hindi ang dati rin nilang kasama sa show na si Pokwang ang pinalitan ng Comedy Queen kundi si Robin Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending