ALLAN K, JOSE, EUGENE may busal ang bibig sa WALLY-EB BABE SEX VIDEO

By Ervin Santiago September 08,2013
share this

ALLAN K, JOSE, EUGENE may busal ang bibig sa WALLY-EB BABE SEX VIDEO

By Ervin Santiago September 08,2013
share this


NIRERESPETO ng mga dabarkads ni Wally Bayola ang kanyang pananahimik hinggil sa kumalat na sex video nila ni EB Babes Yosh na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin kahit saan kami magpunta.

Kahit anong pilit ang gawin ng entertainment press sa mga kaibigan ni Wally sa showbiz ay ayaw talaga nilang mag-comment tungkol sa kinasasangkutang iskandalo ng komedyante.

Sa taping daw ng weekly game show ng GMA 7 na Celebrity Bluff nitong nakaraang araw ay hindi rin sumipot si Wally, pero ayaw nang magsalita ang production staff ng programa kung sinuspinde ito o kusa nang umalis para hindi na madamay pa sa kontrobersiya ang GMA 7.

Kasama ni Wally sa Celebrity Bluff sina Jose Manalo at Eugene Domingo, pero tulad ng mga dabarkads sa Eat Bulaga, hindi rin nagsasalita ang dalawa about Wally’s sex video.

Pansamantalang pumalit kay Wally sa Celebrity Bluff ang isa pang host ng Eat Bulaga na si Allan K bilang miyembro ng “Gangnam”, ang mga panggulo sa show.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending