BB pinababalik na sa Pinas ni Mommy Eva: Sana pag-uwi ko party, pag 90 years old mo para masaya | Bandera

BB pinababalik na sa Pinas ni Mommy Eva: Sana pag-uwi ko party, pag 90 years old mo para masaya

Ervin Santiago |January 25,2021
facebook
share this

BB pinababalik na sa Pinas ni Mommy Eva: Sana pag-uwi ko party, pag 90 years old mo para masaya

Ervin Santiago - January 25, 2021 - 04:55 PM

NAGKAIYAKAN ang mag-inang BB Gandanghari at Eva Cariño nang magkausap sa pamamagitan ng online chat habang nakaburol si Royette Padilla.

Nabigyan uli ng pagkakataon si BB na makachikahan ang kanyang nanay habang nakaburol ang kuya niyang si Royette Padilla, ilang araw na ang nakararaan. Pumanaw ang kapatid nina BB (dating Rustom Padilla), Robin at Rommel Padilla matapos ma-heart attack.

Sa bagong vlog entry ni BB sa YouTube, ibinahagi niya ang pakikipagkuwentuhan niya sa mga kapamilya niya sa Pilipinas na nagtungo sa lamay ni Royette.

Sa simulang bahagi ng video, natatawang inamin ng dating aktor na habang lumalaki siya ay may nararamdaman siyang kaunting inggit kay Royette dahil feeling niya ito ang favorite ni Mommy Eva.

“Dati lumalaki ako parang may pagseselos nang konti kasi alam ko ito si Kuya Royette ang paborito ng mama namin,” pahayag ni BB.

At nang kumustahin na niya ang ina, ang sabi sa kanya, “Uwi ka na dito. Uwi ka na,” kasunod ang masakit na pag-iyak nito.

Nasa Amerika na kasi ngayon si BB ay doon na naninirahan kaya ilang taon na rin silang hindi nagkikitang mag-ina. Kitang-kita ang sakit na nararamdaman ni Mommy Eva sa pagkawala ng anak.

Mensahe naman ni BB sa kanyang ina “Darating siguro ang panahon mas mapaparamdam natin sa isa’t isa, kay Kuya Royette, yung pagmamahal na tama, o yung pagmamahal na mas pwede nating ibigay, other than yung naibigay na natin.”

Maya-maya pa ay nagkabiruan na ang magnanay. Tanong ni BB kay Mommy Eva kung ano ang pinakamami-miss niya kay Royette.

“Ang mami-miss ko kay Royette, walang ibang sinasabi sa akin ‘yan, ‘Mama, walang gulong yung kotse ko. Mama, kailangan ipa-check up yung kotse ko,’ puro gano’n na lang naririnig ko,” anito.

Hirit naman ng kanyang anak na nasa US, “E, kasi nga baby mo si Kuya Royette. E, di, ngayon wala ka nang papagawan ng gulong, wala ka nang papagawan ng kotse.”

“Talagang akala niya pera ako,” nakangiti namang biro ni Mommy Eva.

Sey naman sa kanya ni BB, “Bineybi mo kasi. Baka umpisahan ko na ring gawin yun, hihingi na rin ako sa yo ng pera para maging paborito mo ako! Ha-hahaha!”

Ayon pa sa nanay ng Padilla brothers, naniniwala siya sa kasabihan na kung gustong yumaman ng isang tao ay mamulot siya ng barya. Sa katunayan, nakaipon na raw siya ng P1 million sa pagpupulot ng coins.

Sabi naman sa kanya ni BB, “Mag-ipon ka riyan para makauwi ka rito.”

Patuloy pang chika ni Mommy Eva, “Minsan sinasabi ninyo paborito ko raw si Royette. Sinasabi ko, hindi ko paborito si Royette.

“Kapag meron akong ano, sa sarili ko na kapag meron akong nawawalang anak, susundan ko kahit saan siya dumating.

Hindi ako makakapayag na hindi ko makakapiling ang anak ko,” paliwanag pa niya.

Sa isa pang bahagi ng vlog, muling sinabi ni Mommy Eva na bumalik na sa Pilipinas si BB na sinagot naman niya ng, “Pagkatapos ng lockdown. Opo. Huwag kayong masyadong mag-iisip. Kailangan makita niyo pa ako sa pag-uwi ko, Ma, ha?

“Ayokong sa pag-uwi ko, merong ganyan. Sana sa pag-uwi ko, party. Gusto ko sa pag-uwi ko, 90 years old mo, sana pag-uwi ko, 90 years old mo para masaya,” sabi pa ni BB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magse-celebrate si Mommy Eva ng kanyang 85th birthday sa darating na March.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending