Pia nagbalak magpabawas ng boobs; nagsalita na rin tungkol sa chikang engaged na | Bandera

Pia nagbalak magpabawas ng boobs; nagsalita na rin tungkol sa chikang engaged na

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Pia nagbalak magpabawas ng boobs; nagsalita na rin tungkol sa chikang engaged na

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 02:03 PM

NAGBALAK pala noon na magpabawas ng kanyang boobs si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Inamin ng beauty queen-actress na isa sa mga insecurity niya nu’ng bagets pa siya ay ang kanyang katawan, lalo na ang dibdib niya na may kalakihan nga.

Sa kanyang “True or False” session sa Instagram Stories, sinagot ni Pia ang ilang tanong ng netizens kabilang nga ang tungkol sa lovelife niya, katawan at future plans sa personal na buhay at career.

Isang IG follower nga niya ang nagtanong kung may plano ba siyang sumailalim sa breast reduction.

Tugon ng aktres, “There was a time when I was much younger that I was thinking about it but then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki ‘yung mga scars na maiiwan niya so buti na lang.”

Dagdag pa niya, “Honestly, siyempre nong bata pa ako na insecure talaga ako sa katawan ko especially dito (dibdib) kasi siyempre inaasar ako sa school, nahihiya ako pero as I got older, I learned how to be more confident.”

Samantala, diretsahan naman siyang tinanong kung totoong engaged na siya sa boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.

“False. Ito talaga unang tanong!? Ha-hahaha. If it was true trust me you’d know. It’s not true. And I know there’s a video on YouTube that says I’m engaged,” paglilinaw ni Pia.

Sundot na tanong, moody ba si Jeremy o mahirap pakisamahan? “Okay, that is absolutely not true. In fact, parang ako pa nga ‘yung mas ano eh, ‘di ko naman masasabing mas moody, ano lang, colorful personality.”

Kasabay nito, nilinaw din niya ang tsika na mas matanda siya kay Jeremy, “Why would you guys think that? Mukha ba akong…hahaha! He is older than me. He is 36 years old now. Baby pa ako.”

Sa kasalukuyan ay nasa Morocco pa rin si Pia at mukhang doon muna siya mananatili habang ipinatutupad ang travel ban mula sa United Kingdom patungo sa Pilipinas dahil sa bagong variant ng COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending