Dyowa tip ni Daniel pag may away: Wag piliting mag-usap kung mainit pa, pakalmahin muna ang isa’t isa | Bandera

Dyowa tip ni Daniel pag may away: Wag piliting mag-usap kung mainit pa, pakalmahin muna ang isa’t isa

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Dyowa tip ni Daniel pag may away: Wag piliting mag-usap kung mainit pa, pakalmahin muna ang isa’t isa

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 01:36 PM

TULAD ng ibang magdyowa at ng mga ginagampanan nilang karakter sa teleserye at pelikula, hindi rin perfect ang relasyon ng Kapamilya young couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon sa tinaguriang Queen of Hearts, marami rin silang pagsubok at problema na hinaharap ni DJ at ito raw ang isa sa mga nagpapatatag sa kanilang pagsasama.

“Hindi perfect yung relationship namin. Hindi siya perfect. Hindi ako perfect. Alam naman namin yun. Pero yun yung nakaka-excite, di ba?

“Kaya nga masaya siya, yung kung anumang adventure itong pinasok namin ilang taon na hanggang ngayon nandito kami because it’s worth it kasi napapasaya namin yung isa’t isa, nagtutulungan kami,” simulang pagbabahagi ni Kath sa isang panayam.

“Ilang taon ko na siyang kilala so basta gusto lang namin nagkakaintindihan kami. Basta gusto ko lang malinis kasi naaapektuhan kung paano kami mag-isip or kung paano yung mood namin kapag magulo.

“Hindi siya kaartehan basta ganu’n lang kami na tao. Gusto namin clear para clear din yung mindset namin,” dagdag pa ni Kathryn.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Malaking bagay na kaming dalawa ni DJ meron kaming mga private moments din. Hindi lahat kailangan i-announce or ipakita.

“So, very important sa amin yung ibalanse yung ganu’n. Meron din kaming hindi pino-post sa Instagram or yung sa amin lang and I think yun yung isa sa mga ite-treasure ko na moments,” chika pa ni Kath.

Para naman kay Daniel, napakahalaga talaga ng komunikasyon sa isang relasyon, “Communication ang pinakaimportante. Usap lang talaga. Kapag masyadong mainit bigyan niyo ng oras ang isa’t isa. Huwag n’yong pilitin mag-usap ng masyado kayong pikon. Pakalmahin niyo muna ang isa’t isa.”

At dahil kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa, alam na rin ng KathNiel ang diskarte kapag meron silang hindi pagkakaunawaan.

Sey ni Kathryn, “Pinag-uusapan talaga kasi hindi ako mapapakali pag hindi ko tinanong sa kanya kahit gaano pa katagal yun, kahit gaano pa kaliit yun, para hindi ako naba-bother.”

Dagdag pa niya, “Kasi alam ko pag mag-isa ako at hindi kami magkasama, sasabihin ko, ‘my God dapat tinanong ko yun sa kanya.’ So lahat ng mga tanong ko tinatanong ko sa kanya kasi kung hindi ka guilty you’re going to answer it right?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinasagot naman niya lahat ng tanong and as long as nasasagot niya lahat ng tanong, okay parang may sense of relief sa ‘yo especially sa girls kung anu-anong naiisip mo. Tapos okay na,” lahad pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending