Gerald basag na basag sa fans nina Diego at Barbie: Wag mo siyang itulad sa 'yo! | Bandera

Gerald basag na basag sa fans nina Diego at Barbie: Wag mo siyang itulad sa ‘yo!

Reggee Bonoan |January 19,2021
facebook
share this

Gerald basag na basag sa fans nina Diego at Barbie: Wag mo siyang itulad sa ‘yo!

Reggee Bonoan - January 19, 2021 - 09:20 AM

“SUNOG na sunog” ang Kapamilya hunk na si Gerald Anderson matapos banatan ng mga netizens nang magkomento sa Instagram post ng kaibigang si Diego Loyzaga.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang IG followers ni Diego ang sinabi ni Gerald patungkol sa bonggang sorpresa ng binata para sa girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Nagpasabog ng kilig at good vibes ang magkasintahan nang ibahagi ni Diego sa social media ang pa-surprise niya kay Barbie kung saan pinuno ng aktor ng mga puting lobo, with matching white roses and candles at may fairy lights pa, ang kwarto ng dalaga.

Tinag ni Diego si Barbie sa kanyang post at nilagyan ng mensaheng, “I promise to keep that smile on your face (black heart emoji).”

Humamig naman ng sandamakmak na mensahe ng pagbati at heart emojis ang post ni Diego at halos lahat ay nagsabing ipagdarasal nila na sana’y pang-forever na ang pagmamahalan ng dalawa.

Pero ang pabirong comment ni Gerald kay Diego ang nakakuha ng atensyon ng netizens. Sey ng aktor,

“Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyang galawan,” sabay sabi ng “Congrats.” Ang tinutukoy na Th3rd Floor ni Gerald ay ang pag-aaring fitness center sa Diliman, Quezon City.

Ang basa ng mga tagasuporta ni Diego, gustong ipahiwatig ni Gerald na nakuha ng binata ang mga ganu’ng galawan (kung paano sorpresahin at pakiligin ang dyowa)

Dito na nagsunud-sunod ang pamba-bash kay Gerald at nadamay pa sa issue ang rumored girlfriend niyang Julia Barretto.

Maraming sumita kay Gerald at nagsabing hindi maganda sa panlasa ang panunukso niya kay Diego at huwag daw niyang itulad sa kanya ang binata.

Unang-una, malayung-malayo raw ang boyfriend ni Barbie sa kanya dahil hindi ito “manloloko ng babae” at never din daw nang-ghosting ang binatang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Obviously, ang tinutukoy ng mga nabwisit kay Gerald ay ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Mismong ang aktres na kasi ang nagsabi na bigla na lang siyang iniwan ng aktor nang walang pasabi at paliwanag.

May mga nagkomento naman na “naiinggit” lang si Gerald kaya ganu’n ang naging komento nito sa IG post ni Diego para kay Barbie.

Hindi raw kasi “mai-flex” ng hunk actor sa madlang pipol ang relasyon nila ni Julia na nagsimula sa ghosting. Meaning, hindi raw niya magawa kay Julia ang mga pasabog na paandar ni Diego para kay Barbie.

Pero in fairness, may ilang fans naman si Gerald na nagtanggol sa kanila ni Julia. Masyado lang daw nega ang mga namba-bash sa aktor kaya lahat ng comment nito ay nilalagyan ng kulay at malisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sinasagot o nirereplayan si Gerald sa mga nanglait at nangnega sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending