Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 58.49 milyon | Bandera

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 58.49 milyon

facebook
share this

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 58.49 milyon

- November 22, 2020 - 01:12 PM

Umabot na sa mahigit 58.49 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 58,494,754 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 12,450,666 cases.

Sumunod na rito ang India na may 9,095,908 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 6,052,786 naman ang kaso sa Brazil habang 2,127,051 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 2,064,748
– Spain – 1,589,219
– United Kingdom – 1,493,383
– Italy – 1,380,531
– Argentina – 1,366,182
– Colombia – 1,240,493
– Mexico – 1,032,688
– Peru – 948,081
– Germany – 918,271

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,386,570 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 40,467,900 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending