Jake ayaw sa tiyanak; Paulo takot na takot mag-CR dahil sa 'undin' | Bandera

Jake ayaw sa tiyanak; Paulo takot na takot mag-CR dahil sa ‘undin’

Ervin Santiago |October 31,2020
facebook
share this

Jake ayaw sa tiyanak; Paulo takot na takot mag-CR dahil sa ‘undin’

Ervin Santiago - October 31, 2020 - 11:28 AM


HAPPY Halloween!!!

Uso na naman ngayon ang takutan at multu-multuhan kaya asahan na ang umaatikabong kuwentuhan tungkol sa mga misteryo at kababalaghan.

I’m sure, kayo rin ay may mailalahad na ghost stories o kuwentong aswang na hinding-hindi n’yo makakalimutan. Kaya i-share n’yo na yan sa inyong mga friendship para mas lalong maging exciting ang inyong Holloween party.

Sa nakaraang virtual presscon naman ng twin-bill horror film na “Sitsit” na showing na ngayon sa iWant TFC app, natanong ang mga bidang sina Jake Cuenca at Ivana Alawi, pati na ang producer ng movie na si Paulo Avelino kung may kinatatakutan ba silang mga elemento o creature.

Ayon kay Ivana, naniniwala siya sa mga multo pero hindi pa siya nakakaranas na multuhin, wala pa raw nagpaparamdam o nagpapakita sa kanyang kaluluwang ligaw.

“I grew up kasi with my lola na lagi niya akong kinukuwentuhan tungkol sa mga aswang, sa mga multo, sa lahat ng mga Filipino horror stuff.

“So, I do believe in it but I’ve never experienced it. Aswang kasi talaga yung kinukuwento sa akin ever since maliit ako so talagang tumatak siya sa akin na takot ako sa mga aswang. Pag nadinig ko yung mga uwak, nandiyan na sila, ganu’n,” natatawang chika ng sexy actress.

Sabi naman ni Jake, wala naman daw siyang kinatatakutan, pero ang talagang hindi niya malilimutang pelikula ay yung “Tiyanak” ni Lotlot de Leon.

“Kung meron man na tumatak sa akin nu’ng bata ako, yung tiyanak. Super tumatak sa akin. Ayoko maka-experience ng isang tiyanak pero kunyari may project na inalok sa akin tapos remake ng Tiyanak, gagawin ko yun for sure,” lahad ng hunk actor.

Kuwento naman ni Paulo, “I’m amazed by our folklore. Gaya nu’ng ginagawa namin ito, ang dami palang types of aswang, sobrang dami na talaga.

“So, namili lang kami ng isa na puwede gawin du’n. But nakakatuwa kasi parte ito ng kultura natin at nakakayaman ito ng kultura natin. It’s very unique.

“Gusto ko mag-undin (creature sa Shake, Rattle & Roll) kasi napanood ko yun nu’ng bata ako nakakatakot siya. Ha-hahaha! Parang ayoko magbanyo nu’ng bata ako feeling ko may lalabas na undin du’n,” natatawa ring chika ni Paulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, 2-in-1 naman ang mapapanood n’yo sa “Sitsit”, ang una ay ang “Scorpio” ni Jake at ang “Aswang” episode ni Ivana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending