Angelica hindi na choosy sa trabaho; Ivana umaming naging lasengga dahil sa pag-ibig | Bandera

Angelica hindi na choosy sa trabaho; Ivana umaming naging lasengga dahil sa pag-ibig

Reggee Bonoan |October 05,2020
facebook
share this

Angelica hindi na choosy sa trabaho; Ivana umaming naging lasengga dahil sa pag-ibig

Reggee Bonoan - October 05, 2020 - 04:23 PM

“PANTASYA ng Bayan” ang titulo ng latest episode ng digital talkshow na “Ask Angelica” na in-upload kahapon, Okt.4.

Bungad ni Angelica Panganiban, “Pag-uusapan natin ngayon ang pantasya ng bayan, siyempre itong gandang ‘to pinapantasya ito, pero huwag kayong mag-alala, ako ay may mga pinapantasya rin naman ako. Ang pinakamalaking pantasya ko ngayon, ‘yung pagbiyahe.”

“Iyon ‘yung (gusto ko), ano ba, fantasy na lang ba ‘to? Mangyayari pa ba ‘to? Makakabiyahe pa ba ako?  At ang pinakamatinding fantasy do’n, sana may kasama ka kapag ginawa mo ‘yung mga ‘yun,” ayon kay Angge.

Pero aware naman ang “Ask Angelica” host na maraming bawal ngayong panahon ng pandemic kaya lalo siyang nasasabik sa mga gusto niyang gawin.

“Kaya bawal tayong maging choosy sa panahon ngayon kasi lahat ng tao walang-wala na, bawal kang maging choosy sa pagkain,” sambit ng aktres.

Pero masuwerte ang dalaga dahil sa hindi niya pagiging choosy ay ang dami niyang ginagawa ngayong pandemya.

“Ako hindi na ako naging choosy sa trabaho pansin n’yo naman, umabot na ako sa pagiging vlogger hanggang digital pinuntahan ko hindi lang ‘yan nagteteleserye rin ako ngayon (Walang Hanggang Paalam).

“May tinatapos akong pelikula with Coco Martin (Star Cinema) at hindi lang ‘yan, sa Netflix mayroon din akong ipapalabas na animation (Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story). ‘Yan ang topic natin ngayon, bawal ang choosy, paano na ang mga pantasya,” say ng aktres.

Katuwang ni Angelica ang “ka-true-pa” niyang sina Via Antonio at Kean Cirpriano.

Ang guest sa show ni Angge ay ang pantasya ng bayan, mapababae at lalaki nakuha niya lahat ng genre, sabi nga all ages ang nagpapantasya kay Ivana Alawi.

Isa sa mga naitanong sa seksing aktres at vlogger ay ang tungkol sa “butterfly” tattoo niya, “Oo, dito sa may batok,” sagot ni Ivana.

May sinabi si Angelica pero “na-censor” (bleep) kaya hindi narinig ng viewers pero feeling namin ay private part ang binanggit niya dahil sey niya, “Di ba masarap halik-halikan sa batok?  Welcome to kinky night!”

“Uy sandali lang pinag-uusapan natin ang tattoo, ang bababoy n’yo, ano meaning ‘yang tattoo mo?” tanong ulit ni Angge kay Ivana.

“Parang rebirth kasi ‘yung time na ‘yun lasenggera ako, broken hearted parang all in one tapos ‘yung meaning kasi sa akin ng butterfly is rebirth na from caterpillar puwede kang maging butterfly,” paliwanag ng dalaga.

Diretsong tanong pa ni Angelica, “Crush mo raw si Coco?”

“Ha-hahaha! (sabay haplos ng buhok) sakto lang. Natutuwa ako sa pag-arte niya, pagdirek niya, magaling siya, eh, mahusay siya,” sagot ng aktres.

Nakatrabaho mo na ba si Coco, tanong uli sa kanya. “Yes, pero hindi ko siya nakaeksena. Ang nangyari siya ‘yung nagdirek nu’ng Probinsyano,” say ng dalaga.

Kapag nakatrabaho mo siya payag ka o maiilang ka, balik-tanong ni Angge kay Ivana, “Okay lang. Ano naman siya, eh, very easy to work with,” sambit ni Madonna, ang karakter ni Ivana nu’ng nag-guest siya sa longest running action series ng Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tinanong naman ni Kean si Angelica, “Ikaw ba, may ganu’n kang feeling (naiilang)?”

“Hindi ako naiilang, nae-excite ako!” kaswal na sagot ng dalaga.

Hirit ni Via, “Paano ka mae-excite, di ba kadalasan naiilang?”

“Hindi kasi pagkakataon na ‘yun para maka-ano ka (pa-cute),” natawang sabi ni Angge.

“Wow, opportunity!” sabi ni Via.

Sabi pa ng “Ask Angelica” host, “Gagalingan mo, pe-pretty-han mo para talagang bilib na bilib sa ‘yo.”

Nabanggit din ni Angelica ang pagbibigay ng lupa ni Ivana sa kapatid nitong lalaki, “Ang bait mo.”

“Ha-hahaha! Hindi ko alam bakit big deal ‘yun. Kasi nasa brain ko na lahat ng kikitain ko (sa vlog), kailangan i-stable ko na ang pamilya ko.

“Normal lang din kasi sa akin, ever since din na talagang sila lang ‘yung priority ko, sila lang ‘yung nasa isip ko, sa puso ko (sabay natawa kasi bumaba ang takip sa dibdib).

“Bakit?” tanong kaagad ni Angge.

“Wala pala akong bra ngayon. Ha-hahahaha!” sabi ni Ivana.

Hirit ni Kean, “Hindi niya suot ang isa sa dalawang bra niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya mo pa ba?” tanong ni Angge kay Ivana. “Kung ikaw ay pantasya ng bayan, sino naman ang pinapantasya mo?”

“Gusto ko si Hyun Bin (bida sa Crash Landing On You), ‘yun!” pagtatapos ni Ivana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending