Nakapagpatayo ako ng bahay dahil sa mga 'best friend' roles na 'yan | Bandera

Nakapagpatayo ako ng bahay dahil sa mga ‘best friend’ roles na ‘yan

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Nakapagpatayo ako ng bahay dahil sa mga ‘best friend’ roles na ‘yan

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 12:19 PM

KUNG naging nega at balat-sibuyas noon si Dimples Romana, wala sana siya sa estado ng career niya ngayon sa mundo ng showbiz.

Maraming nagkokomento noon na sayang raw ang talent niya sa akting dahil puro supporting roles lang ang ibinibigay sa kanya sa telebisyon at pelikula.

Palagi na lang daw siyang best friend ng mga bida o kontrabida sa mga teleserye ng ABS-CBN. Bakit daw hindi siya mabigyan ng projects na siya naman ang bida.

Sa pakikipagchikahan ni Dimples kay Bianca Gonzalez sa vlog nitong “Paano Ba ‘To”, hiningan siya ng advice ng isang letter sender na nawawalan ng pag-asa sa kanyang buhay, lalo na ang pagdating ng kanyang swerte sa career.

Ayon sa Kapamilya actress, matagal din naman bago siya nabigyan ng chance na mag-shine sa sarili niyang teleserye. Ito nga yung pagganap niya bilang Daniela Mondragon sa hit TV series na “Kadenang Ginto.”

“I remember this lighting director of ours who called me long time ago and ang sabi, ‘Dimps alam mo muntik ko ko nang sagutin ‘yung kausap ko sa grocery.

“Nakita niya na parang pinapanood ko our show ‘The Greatest Love’. And ang sabi niya, ‘Tingnan mo si Dimples sayang no, ang galing naman niya kaya lang lagi na lang siyang best friend,’” pagbabahagi ng aktres.

“Alam mo, iniisip ko talaga if I took offense during that time, it’s going to mess with my head and I won’t be able to function like the usual and hindi ko maaabot ‘yung pangarap ko na kung lahat na lang ng hindi magagandang bagay na sasabihin sa akin ay ikakasama ng loob ko,” lahad pa ni Dimples.

Patuloy pa niyang mensahe sa letter sender, “Kaya ang iniisip ko kapag sinabi nila ‘yun, sabi ko na lang doon sa lighting director ko, ‘Kuya sabihin mo nakapagpatayo ako ng bahay sa mga best friend roles na ‘yan.’

“Kaya lahat ng best friend role na pwede kong kuhanin okay lang ‘yun, kahit araw-araw pa kong maging best friend, okay lang ‘yun,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, nangako si Dimples na ipagdarasal niya ang letter sender, “Iba-iba ‘yung pinagdadaanan natin, iba-iba tayo ng gusto, iba-iba tayo ng galing, iba-iba tayo ng husay.

“I would also pray na you would have a heart that is patient, a heart that will embrace every single thing that is beautiful in your journey right now because when the time comes that it is going to be a breakthrough for you, it is going to be sweeter,” pahayag pa ni Dimples Romana na nagbibilang na rin ngayon ng kanyang properties na aniya’y katas ng lahat ng pagsisikap niya sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending