Jay Sonza binawi ang pasabog kina Gerald at Julia: Pasensiya, napaaga ang 'Congratulations' | Bandera

Jay Sonza binawi ang pasabog kina Gerald at Julia: Pasensiya, napaaga ang ‘Congratulations’

Ervin Santiago |September 22,2020
facebook
share this

Jay Sonza binawi ang pasabog kina Gerald at Julia: Pasensiya, napaaga ang ‘Congratulations’

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 06:31 PM

BURADO na ang Facebook post ng dating broadcaster na si Jay Sonza tungkol sa chikang buntis umano si Julia Barretto.

Ito’y matapos idenay ng Kapamilya actress ang inilabas na balita ni Jay sa FB na pregnant siya at ang itinuturo ngang ama ay si Gerald Anderson.

Tinawag ding fake news ni Gerald ang nasabing balita na talagang naging hot topic sa social media kahapon.

Kasunod nito, nag-post uli si Jay Sonza sa FB at binabawi ang “maagang pagbati” kina Julia at Gerald.

Hindi siya diretsahang nag-sorry sa dalawang Kapamilya stars sa maling balita na nasagap niya pero humingi siya ng pasensya sa “maaga” niyang pagbati.

Narito ang buong FB status ng dating TV host: “Hindi ako buntis.

– julia

“Hindi buntis ang anak ko.

– marjorie

“May umamin kasi. Kaya nagalak ako.

“Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati.

“Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng Buhay.

“Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations.

“Itatabi ko na lang muna iyong regalo  ko sa kanila,” ang mensahe pa ni Jay Sonza.

Ito naman ang ipinost niya kahapon na deleted na nga ngayon, “Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City.

“Napatunayan nina Visoy (Visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog,” aniya pa.

Marami namang netizens ang nagsabi na dapat daw ay kasuhan nina Gerald at Julia ang broadcaster dahil sa pagpapakalat ng fake news pero may nagkomento naman na magsasayang lang daw sila ng pera at oras sa walang kuwentang isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear Bandera readers, dapat pa bang idemanda si Jay Sonza o dedma na lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending