Maja nagpaalam na sa ABS-CBN, sasama kay Mr. M sa TV5 | Bandera

Maja nagpaalam na sa ABS-CBN, sasama kay Mr. M sa TV5

Alex Brosas |September 22,2020
facebook
share this

Maja nagpaalam na sa ABS-CBN, sasama kay Mr. M sa TV5

Alex Brosas - September 22, 2020 - 05:40 PM

NAGPAALAM na si Maja Salvador sa kanyang Instagram account today at nagsabing makikita na siya sa isang network na hindi niya pinangalanan.

But it can be gleaned from her IG post na sa TV5 siya masisilayan.

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN,” panimulang sabi ng Kapamilya actress.

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M.

“Kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma,” say niya.

Ang Mr. M na kanyang tinutukoy ay si Mr. Johnny Manahan na naging head ng Star Magic sa napakahabang panahon.

Dalawa ang gagawing show ni Mr. M sa TV5, ang “Laugh Out Loud”, isang noontime show na iho-host nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas and Wacky Kiray at ang Sunday noontime variety show to be hosted by Catriona Gray and Piolo Pascual.

Saan kaya masisilayan si Maja, sa noontime show or sa Sunday program ng Kapatid network?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po,” say pa ni Maja.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending