MATTEO GUIDICELLI: Wala kaming relasyon ni SARAH, magkaibigan lang kami! | Bandera

MATTEO GUIDICELLI: Wala kaming relasyon ni SARAH, magkaibigan lang kami!

Ervin Santiago |August 21,2013
facebook
share this

MATTEO GUIDICELLI: Wala kaming relasyon ni SARAH, magkaibigan lang kami!

Ervin Santiago - August 21, 2013 - 03:00 AM

MAS marami ang naniniwala na meron nang relasyon sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ito’y sa kabila nga ng pagdedenay nila kapag tinatanong tungkol sa tunay na estado ng kanilang special friendship.

Ayon nga sa mga nakakakita, mukhang in love na in love na naman si Sarah, ibang-iba na raw kasi ang aura nito, at kapag naiinterbyu ang Pop Princess, abot-langit lagi ang papuri nito sa aktor.

Bukod daw sa napakabait ni Matteo ay napaka-gentleman pa kaya tuwang-tuwa ang singer-actress kapag magkasama sila.
At napatunayan nga na super close na ang dalawa nang dumating si Matteo sa 25th birthday celebration ng Pop Princess last month.

Sweet na sweet nga raw sila kahit na nasa paligid lang ang mga magulang ni Sarah, na alam naman natin kung gaano kahigpit pagdating sa lovelife ng aktres-singer.

Sabi nga ng mga Popsters, ang lalaking tulad ni Matteo ang dapat makatuluyan ni Sarah dahil bukod sa galing na ito sa mabuting pamilya, napakatapang din nito dahil meron siyang lakas ng loob na harapin sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Ibig sabihin talagang seryoso si Matteo sa pakikipag-close kay Sarah. Sa kabila nga nito, hindi pa rin mapilit si Matteo na aminin ang relasyon nila ngop Princess, sa huling interview kasi sa aktor, sinabi nitong friends lang daw talaga sila ni Sarah, pero inamin niya na iba na ang level ng friendship nila.

Totoo rin na nag-enjoy siya sa birthday party ni Sarah na ginanap mismo sa bahay ng singer. “It was okay, it was her birthday… with friends, we went there. Sabay-sabay kami du’n, we celebrated her birthday.

Grupo kaming nag-celebrate ng birthday niya. Wala namang masamang intention or anyting. It’s outside of work, it’s outside of showbiz. It’s just a friendly gesture… we’re celebrating her birthday with everybody else,” sey ng aktor sa interview ng Cinema One News.

Dito dinenay din ni Matteo na may lihim silang relasyon ni Sarah, “Hindi, we’re just friends. Good friends. And thank you very much kay Sarah sa magagandang sinasabi niya about me.

About du’n sa trip namin sa US, we went there to work together for a concert and I had a great experience there.  “Siyempre, performing with her on stage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Not only that… to meet new people, to bond with her and the whole group so I made new friends along the way I’m very happy so thank you very much Sarah!” sey pa ng binata.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending