Ibig yumaman (2) | Bandera

Ibig yumaman (2)

Joseph Greenfield |July 23,2013
facebook
share this

Ibig yumaman (2)

Joseph Greenfield - July 23, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Lilibeth, ng Barangay 31D, First Poblacion, Davao City   
Problema:  
1.      Ako po ay 23-anyos at nagtatrabaho pero hirap na hirap na ako dahil laging puyat.  Panggabi ang trabaho ko.  Okey na ito, kesa wala.
2. Lisensiyadong technician ako pero hindi ito ang napasukan ko kaya nanghihinayang ako sa career ko.  Hindi ako yayaman sa suweldo ko.  Balak kong mag-abroad.  Paano ba yumaman?
Umaasa,
Lilibeth, ng Barangay 31D, First Poblacion, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa sandaling nakapag-asawa ka ng isang Capricorn o kaya’y Aquarius na mayaman, puwede rin ang Taurus, at pagkatapos ay nag-negosyo ka, tulad ng naipaliwanag na sa Palmistry at Cartomancy, hindi tipikal na pamamasukan ang magpapayaman sa iyo kundi pagnenegosyo.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, tiyak na yayaman ka, higit lalo kung ang lalaking magiging boyfriend at mapapangasawa mo ay isinilang sa petsang 5, 14, 23, 8, 17 at 26. Kapag ganyan ang birth date ng lalaking napangasawa mo, tiyak na yayaman kayo.
Luscher Color Test:
Sa sandaling nakapagsimula ka na ng negosyo, laging gumamit ng kulay na pula. Sa pamamagitan ng kulay na pula, mas madali mong maa-attract ang pagyaman at maraming-maraming pera.
Huling payo at paalala:
Lilibeth, ‘wag kang magre-resign o magsasawa sa kasalukuyan mong trabaho lalo na’t malaki naman ang suweldo, ang mahalaga magipon ka nang mag-ipon ng puhunan. Kapag may sapat ka ng puhunan, sa taon 2018 sa edad mong 29 pataas, simulan mo ang negosyong may kaugnayan sa kurso o kaya naman’y kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at mga high tech na kasangkapan, makikita mo, lilipas ang limang taon, at mayamang-mayaman ka na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending