'LDR' epektib sa anak ni Pacman at sa dyowang Malaysian singer | Bandera

‘LDR’ epektib sa anak ni Pacman at sa dyowang Malaysian singer

Ervin Santiago |August 22,2018
facebook
share this

‘LDR’ epektib sa anak ni Pacman at sa dyowang Malaysian singer

Ervin Santiago - August 22, 2018 - 12:20 AM

EPEKTIB ang LDR o long distance relationship para sa anak ni Manny Pacquiao na si Michael at sa girlfriend nitong Malaysian-Filipina singer na si Yazmin Aziz.

Very open na si Michael sa relasyon nila ni Yazmin at kamakailan nga lang ay inamin niya sa kanyang social media followers na magdyowa na sila ng singer.

Muling nagkasama at nag-bonding ang dalawa noong magpunta sa Kuala Lumpur, Malaysia ang kanilang pamilya para sa laban ni Pacman kay Lucas Matthysse.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Yazmin ng mga litrato nila ni Michael at dito nga may nagtanong sa anak ni Pacman kung magdyowa na sila ng dalaga.

Sa comment section, tanong ng isang kaibigan ni Michael, “Kamu na officially @pacquiao.michael?” Na sinagot ng binata ng, “Kami na officially. Hahaha! (smiley emoji)!”

Marami na palang sinalihang singing contest si Yazmin, kabilang na ang Global Pinoy Singing Idol ng DZMM noong 2017. Nakapag-perform na rin siya sa isang event sa Kuala Lumpur nang bumisita roon si President Rodrigo Duterte noong 2016.

Meron din siyang YouTube channel kung saan mapapanood ang kanyang mga cover songs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending